Galaw-galaw Baka Maistroke


Dear Kuya President,

kamusta na po kayo? busy po ba?
alam nyo binoto po kayo ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko po
Gusto po nila kayo, ewan ko nga po kung bakit.
siguro po naabutan nila ang unang pagsibol po ng riboong dilaw.

Lagi po akong nanonood ng mga balita at laging nakasingit po kayo.
binabatikos po nila kayo at sinasabi po nila na bumaba po ang expectations nila sainyo.
Ang lakas nyo din po maka-showbiz. Laging may nauugnay sainyong mga babae. Akailan mo yon.
Hunk na hunk po kayo pagnababalitaan po namin ang mga ganyang bagay ukol po sainyo. Tinalo nyo pa po ang mga hunk na 
artista sa buong mundo. Kinabog nyo po sila sa isang kindat nyo lang.

may tanong po ako sainyo? BAKIT PO HINDI KO PO KAYO MARAMDAMAN?
puro negatibo yung naririnig ko sainyo. parang si Ate Kembot na lang po ang naririnig
ko po na magaganda ukol sainyo. Siguro po sa ibang lugar OO. 
Nagpapasalamat nga po ako sa Hanging Habagat at naramdaman ko po kayo 1/4. 
Nakakatuwang isipin na ang pumerwisyo sa Pilipinas ang gagawa ng paraan upang makita, marinig at maramdaman kayo ng
mga Pilipinong naniniwala sainyo po at mga bumoto.

Sabi nyo nga po kayo ang BOSS KO! kaya po ba ang tahimik nyo at hindi ko kayo maramdaman nang ?
Isa lang po akong socially concern citizen, at napaisip tungkol po dito. 
Natapos na naman po ang SONA. Sona na puro pangako kagaya ng dating pangulo.
Sana po sa mga nabanggit nto po sa SONA ay MAPANINDIGAN NYO PO AT GAWIN 
hindi po sa salita nyo lang po kami binubusog.....
In all fairness nagustuhan ko po yung sinabi nyong Responsible ParentHood Keme. (Abangan ang sususnod na mababalitaan ayon sa sinabi nyang ito.)

Mahirap po ang maging isang pangulo alam ko po yan. Naranasan ko yan eh! Dyowk!
Sana lang po kahit isang hakbang maramdaman naman po namin ang
paggalaw ng pilipinas.

HINDI NAMIN KAILANGAN NG SALITA KAILANGAN NAMIN AY AKSYON! :)

Sana po mabasa nyo po tong liham ko para sainyo.
Ingat po palagi! hahahahaha!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?