Kris Aquino at ang Kanyang Mahabang Buhok

Hindi na kayang kumembot ni Kris.

Laman ng balita sa iba't-ibang stasyon.

Laman ng Social Media.

Laman ng kwento ng socially concerned citizen.

Laman ng ulam namin ngayon.

Laman ng ref. namin.

Laman ng bag ng katabi ko.

Laman ng ilong ko.

Lahat ng laman naka-singit ang pangalang Kris Aquino.


Dahil sa sobrang haba ng buhok nito abot sa kapit-bahay ninyo kumalat ang balitang MAGANDA daw si Kris. Kumalat sa isang iglap.

Inakit daw ito ng dati niyang asawa na si James Yap. Dahil sa maganda nga ito hindi ito pumayag hanggang sa sinabihan daw siya ng masasakit na salita at dinuro-duro pa. Ginawa daw ito ni James sa hararp ng kanilang anak na si Bimby. Pagkwento ni Kris sa isang interview niya. -Buti nga inakit ka pa hindi ka pa nagpasalamat! Sa tanda mong yan inakit ka pa?

Dahil sa pag-akit na sumabog sa buong Pilipinas, lumawak ang alitan ng dalawa hanggang dumating sa demandahan. - Bakit ngayon ka pa nag-file ng reklamo kung matagal na 'tong nangyari? Sa dami ng komersyal mo, endorsment at programa sa telebisyon nakukulangan ka pa ba sa pansin? Halos lahat na ng komersyal mukha mo na nakikita pati ba naman sa balita magpapapansin ka pa din? Pektus!

Nagresign na daw ito sa trabaho. Kahit na alam naman natin ay babalik pa din ito. - kung totoo man ang pag-resign mo. Madaming matutuwa kasama ako. Sana mapanindigan mo yan para sumaya ang san'libutan!


Itigil konti. Wala akong masabi. Natatawa ako.

Laganap ang kumento ukol dito. Ilan lamang ito sa mga kumento ng iba't-ibang tao sa iba't-ibang social media.

SHE IS A BIG LIAR!EXAGGERATED! BITCH!!!...BITCH!!!...BITCH!!!... QUIT SHOWBIZ FOREVER, THAT'S GOOD FOR YOU!!!... MATA POBRE.BITCH!!!
- Aray. Grabe. Pero sang-ayon ako mga 1/4.

Gondo gondo nomon ni Kris inookit ni Jamesss
-Ganda tapos haba pa ng buhok. Haha!

May bago palang teleserye ngayo sa ABS. Ang bida ay sina Kris Aquino at si  James Yap. Direktor si Ted Failon.
-Sa haba ba naman ng interview nila sa isa't-isa mala-teleserye talaga yon. Ayaw patalo. May teleserye na nga sa gabi gusto pa dalawa.

Atty. Katipunan: There are more pressing nation issues than this fight between Kris and James.
- Tama. Kaya tatapusin ko na ito sa huling kumentong ito. Pag-usapan na lang natin ang ekonomiya ng bansa, pano dumami ang trabaho sa Pilipinas, pano puksain ang pagkalat ng ipis na itim, bakit ang payat ni Kim Chui, bakit ang ganda ni Anne Curtis at naniniwala ka bang mag-nanay sina Jaya at elizabeth Ramsay?

Ikaw ano ang kumento mo ukol dito?











Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?