Willie Nag-fliptop Kay Ethel at Ate Gay

I'm the producer of this show! Ako ang nagpapasahod sa inyo" - Willie

We're talking about talent, not singit! - Ethel

Ang pagkakamali ay hindi maita-tama kung ang paraan mo ng pagtuwid nito ay sa maling pamamaraan at pag-unawa upang mai-angat ang sarili sa bawat sitwasyong napapalooban ng pagkakamaling ito.

Sakto, paglipat ko ng t.v sa ibang istasyon,bumungad sa akin ang isang lalaking binibitbit ang sariling bangko at pilit na pinapahangin para matumba ang mga bagay na walang sapat na bigat para manatili itong nakatayo.

Sa bawat salitang binibitawan niya sa programa niyang WowoWillie sa mga oras na yon, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para isa-publiko ang mga alitan o hindi pagkakaintindihan kagaya ng kontobersya na dinadala niya ngayon.




Panoorin ang video at ano ang kumento mo ukol dito?

Pag-uusap ang isang paraan upang ang maliit na bagay ay hindi na lumaki at pilit na binututas hanggang hindi na maibalik sa dati.

Kung kasama ang camera buong araw kinakilangang pag-isipan ang bawat ginagawa upang hindi mabatikos ng manonood. HINDI PINAG-ISIPAN. IRRESPONSABLE sa bawat  kemcot ng buhay at walang LIMINITASYON  sa bawat pag-hakbang.







Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Fake News ka ba?