Happy Birthday Budoy

Mabilis ang panahon, depende sa nakikita, naririnig, naaamoy at nararamdaman.

Dahil sa mabilis na panahon, hindi ko inakalang 19 years na pala akong nakikipag-bunong braso sa panahon kasabay ang iba't-ibang klima ng bawat araw.















Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa Facebook kahit na naka-hide ang birthday ko,  naalala niyo pa din akong batiin. Maraming salamat po mga isang sako.

Sa mga nagsolicit ako para batiin lang ako, maraming salamat po mga isang sako.


"Sagot mo cake sa birthday ko hah?"  pagkasabi ko kay Chang habang papikit-pikit ang mata.
Hindi naman ako nabigo sa hiling ko.
Kahit sa picture lang natupad niya pa din ang kahilingan ko. Sobrang na-touch ako.
Maraming salamat mga isa't kalahating sako. (Yung kalahati para sa picture.)




"Sagot mo Carbonara sa birthday ko hah?" pagkasabi ko kay Ai-Ai.
Hindi rin ako nabigo sa hiling ko sa kanya dahil kagaya kay Chang sa picture din binigay ni Ai-Ai ang hiling ko. Kahit na ganon, sobrang na-touch pa din ako kahit pinilit ko siyang batiin ako sa timeline ng Facebook ko.

P.S : Maraming salamat mga tatlong sako. ( Yung dalawang sako para sa pag-ampon sa akin tuwing naliligaw ako)



Nakakatuwang isipin na kahit ganito ang mukha ko at kahit na ang amoy ko kayang umistambay sa ilong mo ng isang araw, naalala niyo pa din akong batiin kahit na nagsolicit ako para batiin niyo lang ako.

Hindi lang ito ang nagpalambot ng puso ko. May isang tao na napaka-seksing nagbigay sa akin nito. Bukod sa mga pagkaing ito, ginawa niyang dagat ang lugar kung saan kami nandoon dahil sa alak na binagsak niya sa mga oras na yon.

Maraming salamat mga apat ng sako Angel Locsin.

Sa Tito ko na nagbigay ng pamadyak sa akin noong birthday ko at sa Kuya kong poging-pogi na kahawig ni Pekto maraming salamat din.

Sampung kilong SAYA, siyam na kilong LUNGKOT, at labing-limang PAGMAMAHAL ang bitbit ko sa 19 years kong pagkindat sa mundong ito. Muli niyo po akong samahan sa bagong taon ng buhay ko at dagdagan ang kilong bitbit ko sa 19 years na pakikipag-bunong braso ko kasabay ang iba't-ibang klima ng araw.

Belated HAPPY BIRTHDAY to me......

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SIRENA ni Gloc-9

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

Fake News ka ba?