Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2012

SIRENA ni Gloc-9

Imahe
Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Hindi ako fan ni Gloc-9. Hindi ako mahilig sa mga rap na kanta ngunit nang narinig ko itong trending na bago nyang kanta, wala akong masabi kung hindi IBANG-IBA SA MA IBANG KANTA. Hindi ko sinasadyang maparingan ang kantang ito. Pinatugtog lamang ng batang hindi mo aakalain na maiintindihan ang kantang ito sa youtube . Pinarinig nya sa akin. Pinaringgan ko naman. Sinabi din nya na, "ang ganda nitong kanta na to. Pero bakit sirena? " Madami syang sinabi mga sampong sako. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga laman nito. Hindi ko sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit sirena ang hinahalimbawa nila sa Third Sex na kontrobersyal ngayon. di na ko magugulat kung maging Pinoy Legend ka Gloc 9. *slow clap* Good job! Madamdamin at malaman ang lyrics nito. KUDOS!!! legend!! IDOL watta message,, so amazing its all about

Shitmalu! I Love You Mading-madami.

Imahe
Naniniwala ka ba sa love at first sight? Tumutulo ang laway ko, bumibilis ang tibok ng puso ko (Tulungan nyo ko! dalin nyo ko sa hospital- ganito ka O.A at parang naiihi ang aking pakiramdam kapag nakikita kita kahit hindi sa personal at kahit sa picture lang busolve na ko. Hindi ito pantasya o kahit na ano mang masasamang iniisip ng iba. Isa lamang itong paghanga, crush o pwede din love agad-agad.  Gusto na sana kitang ligawan kaso madaming balakid. Gusto ko ng pribadong buhay. Gusto ko ng simpleng pamumuhay. Gusto ko yung babagay sa itsura ko. Pero gusto kita pero mataas ang batayan ko ng mamapangasawa. Mapili ako, choosie` ganyan. Siguro kapag nakita na kita ng tunay. Maninigas ako. Ako yung maninigas. Yung literal na maninigas. YUng tipong maninigas at mapapahiga na parang baliw na gustong magwala. Ang lakas mo kasi, umabot sa akin yung superpowers mo kahit na may shield na ko tumagos pa din hanggang puso. Pinapangarap kita sana pangarapin mo din ako!!!

Kayang-kaya ko to! Tiwala lang!

Problema- ito ang sususbok sa katatagan nang isang tao at magsisilbing insipirayon at motivation upang mga solusyunan ito. Madaldal akong tao. Nung grade school ako hindi mawawala ang pangalan ko sa mga noisy at kung minsan ay kailangan magbayad ng piso kapag nakalista ang pangalan mo. Nung high school naman ako hindi na uso ang lista-lista na mga noisy. Gugulatin ka na lang ng Teacher mo o babatuhin ka ng chalk para tumahimik. Pero pagbinabato ako pinupulot ko at sinosoli para may pambato ulit sya sa akin. Ngayon college, hindi na uso ang mga ganyang bagay. May magsasaway sa kaiingayan mo at mayroon namang bahala ka na bataman ganyan. Basta kapag bumagsak ka hindi na nila kasalan kung bakit ka sumisid at hindi na nakaahon pa kahit na mababaw lang ang tubig na lalanguyin mo. Kaya masyado ng competitive ang ang college student ayaw nilang sakto lang. Gusto nila yung sobra at ipamimigay sa iba. Ito ang nais kong ipahiwatig....... Bakit may mga taong hindi kayang ikwento sa iba ang

Galaw-galaw Baka Maistroke

Dear Kuya President, kamusta na po kayo? busy po ba? alam nyo binoto po kayo ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko po Gusto po nila kayo, ewan ko nga po kung bakit. siguro po naabutan nila ang unang pagsibol po ng riboong dilaw. Lagi po akong nanonood ng mga balita at laging nakasingit po kayo. binabatikos po nila kayo at sinasabi po nila na bumaba po ang expectations nila sainyo. Ang lakas nyo din po maka-showbiz. Laging may nauugnay sainyong mga babae. Akailan mo yon. Hunk na hunk po kayo pagnababalitaan po namin ang mga ganyang bagay ukol po sainyo. Tinalo nyo pa po ang mga hunk na  artista sa buong mundo. Kinabog nyo po sila sa isang kindat nyo lang. may tanong po ako sainyo? BAKIT PO HINDI KO PO KAYO MARAMDAMAN? puro negatibo yung naririnig ko sainyo. parang si Ate Kembot na lang po ang naririnig ko po na magaganda ukol sainyo. Siguro po sa ibang lugar OO.  Nagpapasalamat nga po ako sa Hanging Habagat at naramdaman ko po kayo 1/4.  Nakakatuwang i

Itaas ang Kamay at Iwagayway

Bakit iyak ka ng iyak? Sabi ni Krystala na kamukha ni Judy Ann Santos na asawa ni Ryan Agoncillo. Bakit iyak ka ng iyak sa mga blog mo? Sa una hindi ko pa masagot kung bakit, dahil siguro masyadong literal ang pagbibigay ko ng kahulugan sa sinabi nya sa akin. Minsan bigla na lang akong tatapat sa computer at magtatype ng kabaliwan ko sa buhay. Hindi ko na nararamdaman na ako ang gumawa ng nagawa ko. Parang nasapian ako ng multo o engkanto na pagala-gala tuwing gabi. Minsan ulit may magtatanong at magtataka kung ako ba talaga ang gumawa o nagsulat ng blog ko. Hindi daw kapani-paniwala sa itsura ko na magseseryoso at magsususlat o magboblog ng makabuluhan at kabaliwang bagay sa buhay-buhay. Bakit nga ba iyak ako ng iyak sa blog ko? Kasalanan ito ng isang author na paborito ko na hindi ko alam kung anong tamang pronunciation ng pangalan nya. Naiinganyo ako basahin ang mga gawa nya dahil sa impluwensya ng mga kaibigan na nagsasabing basahin ko daw yon! yan! at sa malawak na pag-ii

Ang Pag-iyak ni Budoy

Imahe
Mag-apply. Mag-interview. Mag-interview ulit. Tapos call me maybe na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa loob ng kaloob looban ko kung bakit ang lakas ko mag-apply kahit na nanginginig at nagpapawis na ang kilikili ko at kasingi-singitan ko sa kaba pero handa ako. Pinipilit ko na handa ako kahit na alam ng isip at puso ko na kinakain na ng kaba ang katawan ko. Gusto ko ng magtrabaho. Trabaho konti. Medyo mag-ipon. Tapos aral ulit. Malakas lang talaga ang loob ko. Trying hard sa lahat ng bagay. Sa madaling salita pasikat ako. Pasikat sa sarili ko. Gustong kong lagpasan at kalabanin ang sarili ko. Upang magawa ito kailangan ng inspirasyon at motivation sa bawat hakbang na ginagawa ko. Kaya siguro malakas ang loob ko kahit na pawis na pawis na ang kasingit-singitan ko sa kaba. Kaya siguro naninilaw yung mga puti kong damit sa mga singit-singit nito. Interview- Ito ay isang paraan upang malaman ang kakayanan at interpretsyon ng iniinterview at upang malaman kung ikaw ay kasya s

Usapang Kape

Ang kape ay isang uri ng inumin na kung saan ay nababalutan ng iba't-ibang kwento at iba't-ibang uri na onti-onting umuusbong at nakikita sa merkado. Sa ilang taon kong namulat sa mundong ito, ngayon ko lang nalaman at narinig na may teorya ang simpleng kape na tradisyonal na inumin na pampagising ng lamang loob at kung ano-ano pang laman na alam mo. Naalala ko naglalaro kami ng mga tambay sa eskinitang payapa na walang kahit na ano mang gulo. Bigla-biglang nauntog ang kaibigan naming mala Eva Fonda ang dating sa dulo ng bintanang makalawang. |"Aray, ang sakit nauntog ako nagdudugo"- (Falling intonation). Sabay may sumigaw. "Lagyan mo na kape! Lagyan mo ng kape! Lagyan mo ngt kape! mga sampung katao ang sumisigawa sa mga oras na yon. Nabilang ko. Nilagyan nga nya ng kape para daw tumigil ang pagdurugo.Makapangyarihan ang kape sabi nila. Pwede itong agimat na tatalo kay Sen. Bong Revilla sa palabas nyang Agimat. Hindi na kami nagtanong kung ano ang kakayahan n