Ang Pag-iyak ni Budoy

Mag-apply. Mag-interview. Mag-interview ulit. Tapos call me maybe na.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa loob ng kaloob looban ko kung bakit ang lakas ko mag-apply kahit na nanginginig at nagpapawis na ang kilikili ko at kasingi-singitan ko sa kaba pero handa ako. Pinipilit ko na handa ako kahit na alam ng isip at puso ko na kinakain na ng kaba ang katawan ko.

Gusto ko ng magtrabaho. Trabaho konti. Medyo mag-ipon. Tapos aral ulit. Malakas lang talaga ang loob ko. Trying hard sa lahat ng bagay. Sa madaling salita pasikat ako. Pasikat sa sarili ko. Gustong kong lagpasan at kalabanin ang sarili ko. Upang magawa ito kailangan ng inspirasyon at motivation sa bawat hakbang na ginagawa ko. Kaya siguro malakas ang loob ko kahit na pawis na pawis na ang kasingit-singitan ko sa kaba. Kaya siguro naninilaw yung mga puti kong damit sa mga singit-singit nito.

Interview- Ito ay isang paraan upang malaman ang kakayanan at interpretsyon ng iniinterview at upang malaman kung ikaw ay kasya sa box na ibibigay nila sa iyo.
Ganito ang ginawa ko kani-kanina lang. Kahit na bigong-bigo na ko . Nagsasayang ng pera sa pamasahe hindi pa din ako tumitigil kahit na walang pumapansin sa akin kundi ang mga driver lang ng jeep na itatanong kung sasakay ba ko o hindi. Iyak-na iyak na ko. Lagi na lang hindi qualified at call me maybe na lang. Buti na lang makapal mukha ko kahit na may rejection na nagaganap pinipilit ko pa din kahit hindi kasya ang sarili ko 

Siguro hindi ito para sa akin. Bibigyan pa ko ni Lord ng ibang opportunidad na bubuo sa kaisipan ko dahil lagi kong iniisip. Kailangan ko sigurong mag-exercise ng mag exercise hanggan lumuwa ang dila at magcrumping dance maghapon.

Kapag may tiyaga may nilaga. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang nais kong kunin. Hindi ko papansin ang mga taong mahilig sa call me maybe at papanindigan ko na ang lagi ko sinasabi TIWALA LANG.

Sabi ulit ni Chang Nelly. "Apply ka lang ng apply. Tiyagain mo matatanggap ka din nyan" Binigyan nya ko ng isang sakong fighting spirit sa sinabi nya.  

Bumilib sa sarili at kaibiganin ang sarili dahil ito ang malaki mong kalaban. Hayaan ang mga badtrip na mamayaang Pilipino. Isipin ang Hanging Habagat na puminsala sa mga Pilipino, ang mababang ekonomiya ng bansa, kung papano tutubo ang buhok ni Noynoy at kung papano sosolusyunan ang kahirapan. 




Ito si Chang Nelly. Hulaan kung ano ang kanyang kasarian.
A. Babae
B. Lalake
C. Confuse
D. Member ng Ladlad party list
E. Wala sa nabanggit

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon