Kayang-kaya ko to! Tiwala lang!

Problema- ito ang sususbok sa katatagan nang isang tao at magsisilbing insipirayon at motivation upang mga solusyunan ito.

Madaldal akong tao. Nung grade school ako hindi mawawala ang pangalan ko sa mga noisy at kung minsan ay kailangan magbayad ng piso kapag nakalista ang pangalan mo. Nung high school naman ako hindi na uso ang lista-lista na mga noisy. Gugulatin ka na lang ng Teacher mo o babatuhin ka ng chalk para tumahimik. Pero pagbinabato ako pinupulot ko at sinosoli para may pambato ulit sya sa akin. Ngayon college, hindi na uso ang mga ganyang bagay. May magsasaway sa kaiingayan mo at mayroon namang bahala ka na bataman ganyan. Basta kapag bumagsak ka hindi na nila kasalan kung bakit ka sumisid at hindi na nakaahon pa kahit na mababaw lang ang tubig na lalanguyin mo. Kaya masyado ng competitive ang ang college student ayaw nilang sakto lang. Gusto nila yung sobra at ipamimigay sa iba.

Ito ang nais kong ipahiwatig.......

Bakit may mga taong hindi kayang ikwento sa iba ang mga problemang nararanasan nila. Masyado nilang sinasarili at ayaw ipamahagi sa iba? Natatakot ba sila baka bumaba ang tingin ng iba sakanila o nahihiya dahil  baka mag-iba ang tingin sa kanya at imbis na tulungan ay laiitin? Sa mundong ito madaming ayaw sumugal dahil pangungunahan ng takot na alam natin na wala magandang maidudulot ang takot. Ito pa ang makakasama sa atin. Nakakahiya naman humingi ng tulong dahil may sasabihin pa at bibigyan ka pa nila ng isang sakong utang na loob na kailangan mong isaoli ng sampung sako.

Sabi ni Kuya Josefelino. Naranasan ko ang mga ganyang bagay. Basta kung kaya mo huwag ka ng humingi ng tulong. Dahil kagaya ng sinabi ko kanina may masasabi at masasabi pa sila.
Bakit nga ba may ganong tao sa mundo?

Iniisip ko na lang ngayon. Pagsubok lang yan. Wala namang ibabato sa atin na hindi natin kayang saluhin gamit ang dalawang kamay at ka-onting pagbalance. Papano kung pilit mong sinasalo ngunit ayaw magpasalo? Hindi naman iportante kung masasalo o hindi. Kahit na mabasag pa ito sa malakas na paglaglag. Kaya mo namang buuin at idikit-dikit para mabuo ulit. Hindi lang yan ang maaring ibato. Tiyak na masasalo mo na lahat ito kapag nalaglag mo na at nabuo.

PS: Sana sa paggising ko ay mag-iba na ang pananaw ng mga taong mahilig mamaliit, manghusga at sinungaling! Sana totoo ang Jennie at ang kanyang 3 wishes. Nawa'y haplusin tayo ng Diyos sa ating pagtulog!







Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon