Itaas ang Kamay at Iwagayway

Bakit iyak ka ng iyak?

Sabi ni Krystala na kamukha ni Judy Ann Santos na asawa ni Ryan Agoncillo. Bakit iyak ka ng iyak sa mga blog mo? Sa una hindi ko pa masagot kung bakit, dahil siguro masyadong literal ang pagbibigay ko ng kahulugan sa sinabi nya sa akin.

Minsan bigla na lang akong tatapat sa computer at magtatype ng kabaliwan ko sa buhay. Hindi ko na nararamdaman na ako ang gumawa ng nagawa ko. Parang nasapian ako ng multo o engkanto na pagala-gala tuwing gabi. Minsan ulit may magtatanong at magtataka kung ako ba talaga ang gumawa o nagsulat ng blog ko. Hindi daw kapani-paniwala sa itsura ko na magseseryoso at magsususlat o magboblog ng makabuluhan at kabaliwang bagay sa buhay-buhay.

Bakit nga ba iyak ako ng iyak sa blog ko?


Kasalanan ito ng isang author na paborito ko na hindi ko alam kung anong tamang pronunciation ng pangalan nya. Naiinganyo ako basahin ang mga gawa nya dahil sa impluwensya ng mga kaibigan na nagsasabing basahin ko daw yon! yan! at sa malawak na pag-iisip ng author na pinipilit buksan ang isip at puso ng mambabasa.


Dati, wala pa sa virgin kong utak ang magsulat ng kung ano-anong kabaliwan na nararanas ko at naiisip ko. Basta ang tanging nasa isip ko ay makisabay sa takbo ng buhay ng kabataan ngayon. Gala dito. Gala doon. Yayain dito. Yayain doon. Inom dito. Inom doon. Mga ganyang bagay.

Nagsimula ito nang minsa'y may pumintig sa utak ko na nagkaroon ng malaking question mark. Bakit ganito? Bakit ganyan? Nagaganyan? nagaganito? Bigla na lang naglaro ang isip ko at patuloy-tuloy na sinasagot ng isip ko ang mga bagay na pumipintig na question mark sa utak ko. (Maguluhan tayo). Kulang pa din ang mga dahilan ko kung bakit iyak ako ng iyak sa mga ginagawa ko o nasusulat ko. Basta ang tanging alam ko ay malakas makaimpluwensya ang nababasang mga libro at malakas makaimpluwensya ang mundong ginagalawan mo. Nakakagawa na ako ng mga ganitong bagay ngayon, nakahiligan ko ng magbasa ng mga libro at lumalawak na ang aking pag-iisip dahil sa mga author na nababasa at binabasa ko. Ang mga author na babatukan ka na lang gamit ang mensahe ng librong isinulat nila at bigla ka ng lang magigising sa katotohanan.

Bakit nga ba ako iyak na iyak. Ikaw ba alam mo?




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon