Para Kay Krizelda

Si Krizelda ang kaklase ko noong highschool pa ako. Mahilig siya sa mga k-pop na ang tanging alam lamang ay magpacute at ibida ang iba't-ibang kulay nilang damit.

Binigyan niya ako ng lakas ng loob para bigyan ang sarili ko ng ka-onting paghanga kahit na alam ko inu-uto lang niya ako para gawin ang kembot niya.

Una, istorya o kwento ang gusto niyang igawa ko para sa kanya. Dahil may bayad ito nanginig ako sa paggawa at nagmamadaling itapos ito, pero nabigo ako. Wala akong maisulat kundi ang ulam namin sa mga oras na yon.

Nawalan na yata siya ng pag-asang matapos ko pa iyon kaya't tula na lang ang pinagawa niya sa akin. Ginawa ko ito ng walang kurap at halos 20- minutio lamang.

Hindi ko alam kung may kurot ang gawa ko basta ang tanging alam ko lang ay ginawa ko ito ng walang kurap na may kahalong kembot.
.
.
.




Sa bawat araw na dumadaan kasabay ang hanging sumisipol
Sa pagpikit ng mga mata'y pag-iisip buhol-buhol
Mukha'y nakikita sumasayaw kasabay ng isipan
Unang pagsilip ng puso, sa tibok ng kaliwanagan
Liwanag na gigising sa tulog na puso't isipan.

Ang unang pagtibok, nanatiling nakaprinta
Bakit hindi mawala, i-agos sa ilog ng alaala
Nalapatan ng bagong alaala, tibok ng una'y walang bura
kahit na anong gawin, mananatiling nakaprinta
Ang alaala ng unang pagsilip ng pusong nag-marka

Immortal na pag-ibig ang tema na pinatong niya. Hindi ko alam kung swak ito sa hinahanap niya.

Maraming salamat sa tiwalang ibinigay sa akin at ako ang naisipan mo na tumulong sa iyo.

Ito si Krizelda.
Hulaan ang kanyang kasarian.
A. Lalaki
B. Babae
C. KOnting lalaki
D. Medyo babae
E. Wala sa nabanggit


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon