Sana.....

May dahilan upang idilat ang mata araw-araw dahil habang may pangarap, bawat tulo ng pawis ay sumisigaw ng TIWALA LANG.

Dalawang taon akong huminto sa pag-aaral. Madaming dahilan. Mga dahilang pinagsiksikan sa dalawang sako upang maintindihan ang reyalidad ng buhay.

Malungkot kung sa bawat kilos mo ay may unipormeng naglalakad sa harapan sa bawat kurap ng mata.

Nagpapasalamat ako dahil hindi ako sinanay na ibigay ang gusto,
kung ang modernong panahon lang ang may kailangan dito.
Dahilan upang hindi lumungkot, kung hindi, maging inspirasyon upang makasunod sa paggalaw ng modernong panahon.

Nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho sa gabi.
Noong una akala ko hindi ko makakaya ang ganitong sistema.
Habang lumilipas ang araw nasasanay na akong igalaw ang katawan  ayon sa gusto ko.

Lagi kong sinasabi NAPAPAGOD na ko...

Pero kung iisipin isa man sa mga ito ang bibitawan ko madaming mawawala.

Lahat ng kinakamot ng isip ko pwedeng mawala.

Lahat ng gusto ko at kailangan ng modernong panahon ay mawawala.

Baka pati ako ay mawala.

Noon pingarap kong makapagsuot ng puting toga at ngayon na binigyan ng pagkakataon, hindi ko sasayangin upang mapatunayan at isigaw sa buong mundo habang kumakain ng bubug na BASTA"T MAY PANGARAP LAHAT NG BAGAY KAYANG GAWIN naka-bending man o split. at
Habang may pangarap lahat ng pektus ng buhay kaya ngitian.

Maraming salamat sa pagkakataong ipagpatuloy ko kung anong nasimulan ko at matupad lahat ng kinakamot ng isipan at pinapangarap.

 
Magtatapos po akong may dugo, amoy pawis, amoy usok, amoy kahapon, tulo uhog, at kumakanta ng Pusong Bato.

May dahilan upang idilat ang mata araw-araw dahil habang may pangarap, bawat tulo ng pawis ay sumisigaw ng TIWALA LANG.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon