Team Discussion

ANONG MAS GUSTO MO?
FRIENDS INTO LOVERS OR LOVERS TURNS INTO FRIENDS?
KINDLY COMMENT.....

Ang dami talagang haka-haka,kuro-kuro at lumilipad na opinyon pag-LOVE ang pinag-uusapan.

Kagaya ng tanong na ito na pumukaw sa mata ng mambabasa.

Sa office.
Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ng mga ka-officemate ko ang ganitong tanong.
Maaring naitanong  dahil may pinanggalingan o tinanong dahil ito ang bulong ng simoy ng hangin?

Dahil isa ako sa socially concerned citizen ng bansang ito kumamot na naman ang isip ko upang igalaw ang kamay at magsulat.





Ito ang walang kurap na pagsagot ni Robin Padilla sa sikat na tanong.

May mga balik na tanong tungkol sa sagot ni Robin.

"Ahh bkit??? paki explain naman yan???

"Depende sa sitwasyon pa rin" Sagot ni Robin.

"panong depende db sabi ko paki explain bakit yun yung pinili mo?????"  Balik nito.

Naputol ang usapan dahil madaming nagbato ng kumento ukol sa haka-haka,kuro-kuro at lumilipad na opinyon ukol sa dito.


Sagot naman ni Ethel Booba.
Ramdam na ramdam ko yung sagot niyang ito. Parang may pinaghuhugutan bukod sa paglagay niya ng kilay araw-araw.



Sagot naman ni Aubrey Miles.
Hindi ko alam kung saan niya napulot ito. Ang tanging alam ko lang ay mahilig siyang magtaas ng kilay upang magsungit.










Sagot ni Angel Locsin.
Ewan ko kung talagang labag sa loob niya na magbigay ng opinyon o sumabay lang siya sa agos ng buhay.





Ito ang mga nagkalat na piling opinyon:



Ito ang modernong panahon. Mas tinatangkilik ng masa ang ganitong usapin dahil sa epekto ng nakikita, naamoy, naririnig at nararamdaman. Pare-parehas na interes dahil pare-parehas ang hanging sinisinghot at dumadampi sa katawan.
Bukod sa walang kamatayang anything that occupies space and has mass is matter ay wala din kamatayan ang usapang LOVE dahil ito na ang tatak ng buong mundo para sabihing KABILANG AKO SA MUNDONG IBABAW AT PATULOY AKONG GUMAGALAW DAHIL SA MODERNONG PANAHON.

Kung ako ang tatanungin sa tanong na ito, ibabase ko ito kung ano ang pagkakaintindi ko sa bawat kembot ng tao, kaliwa man o kanan.

Magkaibigan napunta sa pagmamahalan.
Lahat ng bagay ay nagsisimula sa pagkakaibigan. Na-iinlove lang ang isang tao kung kulang ang atensyong binibigay sa kanya ng mundo kaya ipipilit niyang mabigyan ng atensyon upang mapabilang dito kaya na-iinlove ang tao. Ang pagkakaibigan ay napupunta sa pagmamahalan.

Pagmamahalan napunta sa pagkakaibigan.
Mahirap na proseso ito. Bukod sa walang batayan ay patuloy kang pepektusan ng mundo para ibalik ang nakaraan. Patuloy kang naglalakad pero sinusundan ka ng mga bagay na ikaw lang ang nakakakita.
Mahirap na proseso man ngunit ito ang may malaking ambag sa buhay ng tao kung nakaranas ka nito. dahil mas papalawakin ang isip mo upang ngitian ang mga bagay na sumusunod sayona ikaw lang ang nakakakita.

Umiikot ang mundo at umiikot lang lahat ng bagay. Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang tanong o ang lahat ng bagay babalik at babalik ka sa simula.


Dahil out ko na sa trabaho tapos ko na din itong saging lang ang may pusong kwento ko. KIKIAM NIYONG LAHAT GOODNIGHT!!!!




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon