Para kay Krizelda part 2.0
Kung para sa iyo, ibibigay ito ng tadhana ng walang kurap ,ang kailangan lang ay angkinin ito, hawakan ng maiigi upang hindi makuha at hindi maagaw ng iba. - Lisensya
Nagkalat sa social media ang resulta ng nakaraang LET Exam para sa mga kasalukuyang mga Guro. Pinulot ko isa-isa at ito ang napulot ko.
Tinakbo ko ang cp ko at tinext siya na walang pagkurap ng mata kahit na ang katotohanan ang magpapalaya sa akin HULING-HULI na ako sa BALITA.
AKO: Congratulations Krizelda. Isa kang alamat! Sobrang saya ko bukod sa bigote ko.
KRIZELDA: Haha! Bakit umiksi?! Bukas hah? Pinayagan na ko eh.
Ganito ko siya binati at ganyan niya ako sinagot. Medyo magulo pero kailangang intindihin.
Noong una akong sumulat para sa'yo, nagpaggawa ka ng tula at ngayon, sumulat ako para batiin ka Ma'am Krizelda. Ang bilis ng panahon 'sing bilis ng tumakbo ng cp ko sa kanto noong isang buwan. Haha!
Congratulations ulit Ma'am Kriszelle. (Ngayon ko lang napansin parang Jejemon yung spelling ng pangalan mo.)
Kahit na hindi ka nag-review.
Kahit na ayaw mo magturo.
Kahit na masungit ka.
Kahit na hindi ka pwede mag-harlem shake habang naka-bending
Naka-tadhana na talaga sa'yo na maging guro. Ramdam ko. Magtuturo ka na at magbabahagi ka na ng kaalaman dahil iyon ang tinakda. Ipilit natin.
Congaratulations ulit sa'yo at sa mga bagong Ma'am at Sir sa buong bansa.
Kung para sa iyo, ibibigay ito ng tadhana ng walang kurap ,ang kailangan lang ay angkinin ito, hawakan ng maiigi upang hindi makuha at hindi maagaw ng iba. - Lisensya
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento