Para sa mga Muscleman
Dahil sa pabago-bagong klimang naararaanasan ay may iba't-ibang mukha ang mga muscleman ng bansa.
Pagtag-init, maraming nagtitinda ng pampalamig tulad ng ice cream, ice candy, at kung ano-ano pang pampalamig na swak sa panlasa ng mga Pilipino.
Pagtaglamig naman ay samu't-saring mga pampainit ang nagsusulputan upang maibsan ang lamig na naararanaasan.
Parang kampanya ng mga muscleman ngayon. Natitinda sila ng iba't-ibang klase ng panulat sa panahong kinakailangan ng boses ng Pilipino na magdadala sa kanila sa mundong puno ng katanungan dahil sa nararanasang kakulangan ng bansa.
Ang mga mucleman rin ay mahilig manukli kahit sakto lang ang pera mo. Minsan nama'y hindi ka pa nagbabayad ay susuklian ka na nila. Aakalain mong pasko sa sobrang daming aguinaldo.
Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi pa ito naliligo,
Mahilig silang magplantsa kahit marumi pa ang damit nila,
at
Mahilig silang makipaglaro ng jackstone, luksong baka, patentero, harangang daga, barbie doll at bahay-bahayan.
Magaling ang mga muscleman sa larong taguan. Susuko kayo sa sobrang galing nilang magtago, luluwa na mata mo, tutulo na laway mo at aamagin ka na hindi mo pa din sila nahahanap.
Parang mga tauhan sa Dragon Ball Z na kayang-kayang mag-teleport at bigla na lang mawawala.
Ganito ang mga gawain ng mga muscleman, ang manukli kahit hindi ka pa nagbabayad at makipaglaro ng larong alam ko, alam niya at alam nating lahat.
Noon, Amoy Simbahan ang depinisyon sa pamahalaaan. Ngayon ay Amoy Politika dahil pare-parehas na pangalan, mukha at sila-sila lang din ang nagbubulungan upang umunlad.
Ano nga ba ang sinisigaw ng mga Pilipino?
KAUNLARAN at PAG-UNLAD
Ang kaularan ay magsisilbing pakiramdam sa mga nararanasan sa isang bansa at pag-unlad ay ang mata na makakakita sa bawat hakbang ng bansa.
Sa madaling salita, sinisigaw ng bawat Pilipino na palitan at mabago ang nararamdaman at nakikita.
Upang makamit ang inaasam-asam na pagbabago, kinakailangang ang BATAS ay maging BATAS na walang pinipiling antas.
Bilang isang simpleng mamamayan ng bansa, may mga bagay na kumakamot sa isip ko at nais kong ipamahagi sa kagaya kong simpleng mamayan na ang tanging hangad ay pagbabago , pag-unlad at kaunlaran.
1. Kahirapan
Taumaas ang porsyento ng kahirapan ayon sa huling datos.
Ano nga ba ang nagiging dahilan kung bakit ito patuloy na tumataas?
Nangungunang dahilan dito ay EDUKASYON dahil sa walang sapat na kaalaman, mas limitadong trabaho ang nagbubukas. Nawawalan sila ng kumpiyansa sa sarili dahil sa kompetisyon ng baansa kaya't hindi kataka-taka na isa ito sa pangunahing dahilan ng kahirapaan dahil ngayon, ang edukasyon ay nagiging oportunidad na lamang sa nakararami.
Pangalawa ay TRABAHO. Madaming nagbubukas na bagong establisyimento sa bansa. Nangangahulugan na mas madaming trabaho ang nagbubukas.
Bakit isa pa din ito sa dahilan ng kaahirapan?
Kung mapapansin natin mas prayoridad ng nakararami ang may experience at nakatungtong sa kolehiyo.
Ano nga ba ang nagagawa mo na hindi nagagawa ng iba pagtrabaho ang pinag-uusapan?
At
Pangatlo ay MARAMING ANAK. Dahil sa walang sapat na edukasyon at walang matibay na trabaho, lahat ng atensyon ay nasa pamilya lamang, walang pinaglilibangan at ito ang binubulong ng simoy ng hangin.
2. Hangin at Klima
Ang laki ng pagbabago ng Hangin at Klima noon at ngayon. Numinipis ang hangin at kumakapal ang klima. Nangyayari ito dahil sa paubos na mga puno sa bansa. Nagpuputol ngunit hindi pinapalitan. Habang nauubos ang mga puno, dumadami ang mga taong sumisigaw sa sariwang hangin.
Kung bibigyan ng pansin ito ng Pamahalaaan at ipatupad ang bagong kalakaran sa pagputol ng puno, Isang putol sampung tanim upang mapakinabangan at maaranasan ng bagong henerasyon ang sarap ng simoy ng hangin.
3. Kapanatagan At Seguridad
Ngayong taon nagkalat ang balita ukol sa Rape at pagpatay. Pagkatapos halayin ay papatayin. Walang pinipiling edad at kasarian.
Lumiliit ang seguridad ng mga tao dahilan upang hindi mapanatag sa bawat paggalaw.
May konsensya pa ba ang gumagawa nito?
Hindi na natatakot ulit-ulitin ang mga ganitong gawain dahil ang batas ay dapat gawing batas at ibalik ang Death Penalty upang matakot ang mga walang awang taong gumagawa nito.
Kung ibabalik ang Death Penalty at ang batas ay gawing batas na walang pinipiling antas, Mababawasan ang ganitong pangyayari at maibabalik ang seguriada at kapanatagan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
4. Pagtingin sa Estado ng Buhay
Sa modernong panahon ngayon, ang pagtingin sa estado ng buhay ay nagiging diskriminasyon sa nakararami. Ang mayaman ay para sa sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap. Ang Babae ay para sa lalaki at ang Lalaki ay para sa babae.
Isa ang dahilan kung bakit lumalaki ang agwat ng Mayayaman at Mahihirap dahil mabilis magpalit ng mukha ang isang bagay, depende sa nakikita, naririnig, naaamoy at nararamdaman.
Isa ring dahilan ang bagong atake sa mga pinapnood sa telebisyon.
Karamihan sa makabagong palabas ay pinapakita ang bawat agwat ng estado ng buhay ng bansa dahilan upang makaepekto ito sa mga manonood.
at
Upang lumiit ang agwat ng estado ng buhay kinakailangang masolusyunan ang kahirapan at magbigay ng maraming oportunidad hindi lang sa mga muscleman kung hindi sa mga simpleng mamayan.
KUNG BAGONG MUKHA, BAGONG PANGALAN AT ANG BATAS AY MAGING BATAS NA WALANG ANTAS, HINDI AKO MAGTATAKA NA MAKAKAMIT NATIN ANG INAASAM-ASAM NA KAUNLARAN AT PAG-UNLAD.
FINOY!
FINAY!
FILIPINAS!
Ang sanaysay na ito ay aking inilahok sa Saranggola Blog Awards
Sa pakikipagtulungan:

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento