Paraiso ng Bataan

Hindi matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay ang sayang dulot ng mala-paraisong taglay ng Pilipinas.



Sa unang pagkakataon,

naranasan kong magbakasyon gamit ang pinagpaguran ko kasama ang malalapit na kaibigan.

naranasan kong magluto gamit ang lumang tradisyon.

naranasan kong makahawak o madampian  ng sariwang hangin.

at

naranasan kong dumaan sa matatarik na bundok makita lang ang tinatagong ganda ng Pilipinas.




EXPECTATIONS VS REALITY

Sabi ng mga kapitbahay, nagtitinda ng balot sa gabi at umiinom ng Gin Bulag sa kanto, huwag daw mag-expect dahil kaya ka nitong dalhin sa mundo ng imahinasyon.

Dahil ito ang paniniwala ng iba, ganito na din ang naging pananaw namin upang hindi mabigo.


Habang nasa biyahe, walang nakapigil sa amin kahit mainit dahil tirik ang araw at masakit ang katawan dahil sa malaking lubak na dinaanan.

Kami ang mga PABEBE at walang makakapigil sa amin makita lang ang tinatagong ganda ng Pilipinas!

.
.
.
.

Pagbaba ng sasakyan.

Ito ang bumungad sa amin.

























WOW! wow lang ang tanging nasabi namin habang nakatulala at tinititigan ang gandang tinatago ng Pilipanas.

Ngayon ko napatunayan na madami talagang tinatagong ganda ang Pilipinas.




Puti at pinong buhangin.

Sobrang linis na tubig.

At

Mala-Paraisong tanawin.

Sulit lahat ng pagod.

Hindi ko alam kung anong naging reakyon ko nung makita ko ito. Ang tanging alam ko alam ko lang ay WOW sa ganda ang likha ng PANGINOON!

Nag-expext man kami sa mga oras na yon kung ano ang naghihintay sa amin, nalagpasan naman ito dahil sa tunay na ganda ng Isla.

Wala kaming masabi kung hindi WOW!

WOW sa ganda ng likha ng DIYOS

WOW sa linis ng tubig at ng paligid

WOW sa tahimik dahil tanging alon lang ang maririnig.

AT

WOW dahil pinaranas at pinakita sa amin kung bakit masarap manirahan sa Pilipinas.

PS: Ang islang ito ay pribado dahil pinapangalagaan ng may-ari ang ganda nito.








Maraming magagandang tanawin, lupa man o tubig. Kinakailangan lamang pangalagaan ito upang maransan o makita ng susunod ng henerasyo kung gaano kaganda ang mundo.

Nilikha ng Diyos ang lahat ng taglay ng mundo. Tayo ang magsisilbing gabay upang mapanatiling buhay ito!

Hindi matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay ang sayang dulot ng mala-paraisong taglay ng Pilipinas.













Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon