Pag-ibig sa Tamang Panahon

Paano mo malalaman na siya na ang gigising sa namatay mong ugat?

Siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake mo?

Siya na ba ang the one?

Para mahanap ang porber, kailangan mong tumaya at sumugal.
Walang makakapagsabi kahit socially concerned citizen kung siya na ang makakasama hanggang sa pagputi ng buhok dahil kayong dalawa ang magkukulay sa bawat pahina ng kabanata ng love story ninyo. Dalawa, hindi isa. Dalawa, hindi tatlo. DALAWA!

Natural lang  naman ang masaktan kapag nagmahal dahil kapag nagmamahal, nasasaktan
at hindi ka iiyak kung hindi ka naging masaya.

Tama na ang pagiging ampalaya,
tama na ang inggit na nararamdaman kapag may nakikitang magka-holding hands sa kalsada,
tama na ang sisihin ang sarili habang nagtatanong at  naglalaro ang isip  na "Panget ba ko? Kapalit-palit ba ako"?
at tama na ang hanapin ang pag-ibig na hindi naman kayang suklian dahil ang tunay na nagmamahal,  tanggap kung ano ka, itsura, estado, amoy ng hininga kapag bagong gising, kayang tiisin ang amoy ng utot  mo at mahal kang IKAW ng buong-buo.
Masarap ang magmahal 'sing sarap ng luto ni Nanay na may magic sarap at Knor cubes, Peksman!

Masakit man, atleast sinubukan.

Mahirap man mag-move-on, atleast may natutunan na babaunin hangang sa ilang sakit na mapagdadaanan.

kaya, sabay-sabay nating hanapin ang porber!

Masasaktan pero hindi susuko!

Noong isang buwan, tinulungan ko mag-ayos ng VISA ang Ate ko dahil kinasal na ito sa ibang bansa at doon na rin maninirahan.
Pinapadala niya sa email ang documents at pinapa-print ko sa mabait kong kaibigan dahil mura lang ang print sa kanya.

Kung gusto niyong magpa-print ng documets, pictures, invitations, calling cards etc. message niyo lang siya Kaye Reyes (pindutin ang pangalan) at free delivery pa. Murang-mura abot kaya ng bulsa!

At isa nga sa mga requirements para sa VISA ay ang palitan ng MENSAHE o CONVERSATION.
Binasa ko ang ilang page o pahina.
Habang binabasa ko ang mga ito, hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako.
Ramdam mo 'yung love sa bawat letra, ramdam mo 'yung saya sa bawat palitan ng mensahe at ramdam mo na LOVE na nga ang nabuo ng dalawa.

Napaka makapangyarihan ng pag-ibig dahil kahit hindi mo naman ito istorya ay hahaplusin ka at sasabing MASARAP MAGMAHAL 'sing sarap ng luto ni nanay na may Magic sarap at Knor cubes. Lasang-lasa ang omami!

Gusto ko sanang ipakita o i-share ang ilang mensahe pero kailangan nating respetuhin ang pribadong buhay ng bawat isa lalo na kung wala itong pahintulot.


Maliban sa palitan ng mensahe, isa pa sa mga requirements ay LITRATO o PICTURE.






Nilatag at kinuhanan ko ng litrato para ipakita sa Ate ko kung gaano ako kasayang makita siyang masaya. Ang mga pictures na ito ang magsisilbing pruweba na darating ang tamang oras at tao na bubuo at kukumpleto sa buhay mo.








Congratulations Mr. & Mrs. Clements! Excited na kong makita si Baby BK soon.

Sa Ate kong manganganak na, maraming salamat sa pagiging Ate, Kuya, Tatay at Nanay sa aming lahat.
Lahat ng oras mo nilaan mo na sa amin at deserve mong lumigaya.
Hindi ko na papahabain pa! Huwag mong kakalimutan si Bunsoy. :)



Masarap ang magmahal 'sing sarap ng luto ni Nanay na may magic sarap at Knorr cubes, Peksman!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon