Para kay Tatay, Itay, Papa, Tay, Daddy, Dad atbp
Pa,
Kumusta ka na?
Anong ginagawa mo?
Iniinom mo ba mga gamot mo?
Bawasan mo na ang yosi mo dahil tumatanda ka na at marami ka ng nararamdaman.
Huwag kang magpapalipas ng kain.
Huwag mo na kaming masyadong isipin dito, nagtutulungan naman kaming magkakapatid para makaraos sa pang-araw-araw.
Lagi pa rin akong bumibili ng paborito mong tinapay kapag sahod. Syempre, si Cas pa rin ang laging nakakaubos.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa tinapay na yon at gustong-gusto niyo.
Si Lourd at Tak lagi kang tinatawag kapag nakikita picture mo.
Kapag umaalis kami o galing sa labas ng matagal lagi ka nilang tinatawag pagpasok nila ng bahay.
Miss ka na namin dito, sobra!
Bumili na pala kami ng sofa at bagong dining table. Mura lang ang bili namin. Hehe! Pero hindi pa namin tapos bayaran. Ka onti na lang matatapos na din naman.
Tsaka 'yung tv na regalo sa inyo ni Ate Krys, nasira na. May sounds naman kaso walang video.
Hindi pa namin napapagawa kasi medyo may kamahalan.
Kung nandito ka lang sana nagawa mo na siguro yon. Alam ko naman kayang-kaya mong gawin yon.
Sana magkaroon ng sobra para makabili na lang ng bago. Hehe!
Ang hirap pala kapag walang Tatay sa bahay. Miss na kitang sobra.
Pero mas lalong mahirap noong iniwan mo kami.
Ilang buwan ka ng wala pero bakit paramg sariwa pa din sa amin.
Bigla ka na lang pumapasok sa isip ko, matutulala at maiiyak.
Bakit bigla mo na lang kaming iniwan?
Hindi pa namin nabibigay 'yung buhay na pinapangarap nating lahat, hindi ko pa nasusulit 'yung mga panahong nandito ka at hindi ko pa kayang tanggapin hanggang ngayon na wala ka na. Sana binigyan mo pa kami ng mahabang panahon para makasama ka.
Kung nasaan ka man ngayon, sana bantayan at gabayan mo kaming lahat.
Alam kong hindi ka na mahihirapan dyan, pwede ka ng magyosi kahit ilan ang gusto mo at hindi ka na iinom ng maraming gamot dahil 'yon ang laging reklamo mo.
Mahal na mahal ka namin at miss na miss ka na naming lahat!
Nagmamahal,
BUNSOY
Ilang beses ko ng sinubukang mag-blog para sa Tatay ko pero hindi ko matapos-tapos.
Hindi ko alam kung bakit. Laging umpisa. Puro umpisa.
Siguro, nauuna ang emosyun kaya hindi ko kayang pagpatuloy.
Ginawa ko na lang na mas personal dahil para sa kanya naman ito.
Sulitin natin ang bawat segundo, oras at araw na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay dahil isa lang ang buhay at hindi mo naababalikan ang oras na nandyan pa sila dahil walang pause, fast forward at rewind sa tunay na buhay.
Huwag natin hayaang mawala ang isang tao na may pagsisisi, kaya habang nandyan pa, mahalin, intindihin, unawain at ibigay kung ano ang kaya mong ibigay. Materyal man o hindi ang mahalaga sinulit mo ang mga panahong nandyan sila dahil ang bawat pahina ng kabanata ng buhay ay mahalaga.
Kailan mo pa susulitin? kapag wala na?
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumulong, nagbigay ng pakikiramay.
Sa mga kamag-anak ng Tatay ko na tumulong, nagpuyat, maraming-maraming salamat po. Alam kong kong tuwang-tuwa ang tatay ko dahil kahit sa huling sandali nandyan kayo sa tabi niya.
Gusto ko sanang magkwento pa, baka maiyak lamg ako. Kaya tatapusin ko na amg blog na 'to!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento