Mga Post

Uso ka nga ba o uso ka?

Imahe
Habang may malikot na imahinasyon, hindi mawawala ang pabago-bagong gimik o uso na pilit ikinakalat sa merkado o makikita na lamang sa sahig at pupulutin na lamang upang makisabay sa agos ng modernong panahon. Ma-impluwensya ang bawat nakikita at naririnig. Hindi mo maiiwasang hindi makisabay sa modernong panahon.  Habang naka-istambay ako sa tindahan malapit sa amin, may pumukaw sa aking mata. Isang babaeng pa-lakad papuntang tindahan na may dalang Ipad. Oo, Ipad yung touch screen na usong-uso ngayon. (Tumatanggap po ako ng pinaglumaang Ipad.)  Pindot siya. Pindot ulit. Pindot ng pindot hanggang makarating sa tindahan kung saan ako naka-istambay. Dahil tsismoso ako tiningnan ko kung anong mayroon sa Ipad niya kung bakit bitbit pa niya ito hanggang sa tindahan.  Naglalaro pala ng Candy Crush. Hindi maiwanan dahil sa Candy Crush. Nakalimutang magsuklay dahil sa Candy Crush.  Ang daming naa-adik sa larong ito. Bukod kasi sa makukulay na detalye ng laro...

Charice Pempengco sa Pangangalaga ni Don Tiburcio Par II

Imahe
Pagdating ng Panahon na ba ni Aiza Seguerra ang susunod mong kakantahin? Ito ang una kong katanungan sa una kong blog ukol sa haka-hakang nakabuntot kay Charice sa panahong iyon. Gumamit ako ng katanungan bilang Introductory Device at gumamit muli ako ng katanungan sa conlcuding device. Upang sa susunod kong blog ukol kay Charice ay masasagot ko lahat ng katanungang ipinatong ko sa aking sinulat. Cahrice Pempengco sa Pangangalaga ni Don Tiburcio Part I  - Ito ang una kong blog para kay Charice noong haka-haka pa lamang ang kanyang sekswalidad. Basahin mo na. Please. Pagbinasa mo ito ay su-swertihin ka sa pag-ibig. "Pagdating ng Panahon na ba ni Aiza Seguerra ang susunod mong kakantahin?" - Pagmulat pa lang ng mga mata'y pangalan at mukha na ni Charice ang nakita. Ginamitan na niya ng muscle upang masagot ang lahat ng haka-haka ng sambayanang Pilipino ukol sa sekswalidad niya. "Tatay nga ba niya si Don Tiburcio?" - Hindi naman siguro Tatay. Tropa-trop...

Unang Tinta

Imahe
Unang tinta sa daliri patunay na ikaw ay naki-isa. Unang beses kong pumili at bumoto. Dahil unang beses ko nga ito, madami akong tanong na onti-onting nagbibigyan kasagutan dahilan lamang upang maka-pili ako ng nais kong iboto. Una, palakasan ng boses ang bawat kandidato. Ikakalat ang pangalan sa buong bansa upang maiwan ito sa isip at magbigay paraan upang maisulat sa balota ang kanilang pangalan. Pangalawa, gamitan ng iba't-ibang sangay ng pamilya upang mabitbit sila sa inaasam-asam na tagumpay. "Nanay, Tatay gusto kong tinapay. Ate, Kuya gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. 1, 2, 3....." Pangatlo, mas madaming botanteng mas pinaniniwalaan base sa kapasidad ng nakikita at naririnig. Sabay sa daloy ng mundo. "Uso ito, bibili ako nito" " Gusto ko ng NEVER GIVE UP na t-shirt". Pang-apat, nagbibingi-bingihan sa kembot ng kandidato. Mas pinaniniwalaan ang patalastastas kaysa sa bigkas ng plataporma. Pang-lima, nag...

Ma-Emong Bati Para sa Tanging Ina Nating Lahat

Imahe
Ang bawat letrang binibigkas mo ay nagbibigay kulay upang humakbang kami na na-aayon sa galaw ng reyalidad na nagbabalanse sa ikot ng mundo kasabay ang pabago-bagong mukha. Ang bawat galaw o kilos mo kasama ang pagkapit ng iyong kamay sa amin ay nagsisilbing kaisipan upang masagot ang katanungang kapiling sa pang araw-araw na gawain upang kumilos ng nararapat sa mundong puno ng iba't-ibang isla. Ano nga ba ang Mother's Day? Isang araw na kung saan ay binibigyang pahalaga o pasasalamat ang isang magulang o Nanay. Sa iba't-ibang pamamaraan. Depende kung paano ang atake sa pagbati. Basta't mapasalamatan at mabigyan ng simpleng ngiti ang magulang na hindi maaring tapatan ng kahit na anong matiryal na bagay. Ngiting aabot sa taenga at magsisilbing simbolo ng tuwa at pagmamahal. Nanay, Ina, Inang Mother, Mama, Mommy, Mhie, Mah, Mamita, Mother- madaming tawag ngunit iisa lang ang chicks ng buhay. May iba't-ibang babae mang makilala o makasama, hindi mapapalitan ang...

Tunay nga bang Natutulog ang Diyos?

Dumilat ang aking mga mata. Lahat ng kulay sa paligid ay maputla tanganing liwanag  ng araw sa bintana ang nagbigay liwanag sa aking pagmulat. Sa bawat araw na duma-daan hindi ko maiwasang pag-aralan ang bawat kilos ng aking katawan. Hakbang sa kanan, kailangang lumawak ang pag-iisip upang maiintindihan ang bawat nangyayari. Absorb sa nakikita at naririnig upang maging instumento sa susunod na bukas. Hakbang sa kaliwa, unawain ang bawat parte ng bahay. Kailangang tibayin ang bawat paghakbang. Bawal kumawala. Pagbibigkis-bigkis ang kailangan upang baguhin ang dating umaga. Hindi ko alam kung batok, sampal o tadyak ang kinahaharap namin ngayon. Sa bawat patak ng luha ay may kahulugan. Walang sayang na luha na dumadaloy patungo sa ilog ng alaala. Sa murang edad sumasabak sa tunay na reyalidad, gasgas ang puso at isip at naka-ngiting mukha ngunit napapalooban ng kalungkutang sumisigaw na konsensya. Gusto kong sumabay sa agos ng buhay ngunit pinipigilan ako ng bara sa isip upang k...

Si Janine Togonon, Si Janine na Sikat at Si Janine na Maganda

Imahe
Ang ganda mo. Feel na feel ang long hair mo.... Kumalat ang balita. Kalat -kalat. As in kalat na makikita mo kahit saang parte ng Pilipinas. Tatlong beses yinanig ni Janine Togonon  ang bansa, dahil dito huminto ang oras ng mga tao upang pag-usapan ito. Tsismis sa parlor, Tsismis sa palengke, at tsisimis ng kapit bahay namin na nagsanhi ng pagyanig ng bansa. Unang pagyanig  - Lahat ng tao ay tutok sa kanilang mga telebisyon upang mapanood ang laban ni Janine sa Miss Universe noong nakaraang taon. Walang traffic, walang krimen at walang socially concerned citizen ang naka-istambay sa kanto. Pina-tigil niya ang oras ng sambayang Pilipino dahil dito. Pangalawang pagyanig - Nang matapos na ang kompetisyon na sinalihan nito. Nagkaroon na ng pagkakataon upang ma-interview si Janine na may dalang dalawang sakong kwento. Ininterview na nga ito. Pagkatapos niyang ma-interview ay binigyan naman ng pagkakataon ang kanyang boyfriend upang makilala ng sambayanang Pilipino....

Nese Eye ne Eng Lehet na Ayaw Paawat

Imahe
Nese Eye ne eng lehet menemehel keteng 'pegket. Nese eye ne eng lehet pete eng pese ke...... Sa araw-araw na pagbomba ng mga usok ng sasakyan sa kalsada, pakikipag-talastasan ng mga nagbebenta sa palengke, at mga tambay sa kanto tuwing gabi- hindi mawawala sa tugtugin ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung kanta na pinapatugtog sa radyo, walo dito ay iba't-ibang kanta sa iba't-ibang singer ngunit dalawa dito ang walang kamatay-matayang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung taong may sariling cellphone, siyam dito ang may Music o mp3 sa cp at tatlo sa kanila ang may Nasa Iyo na Ang Lahat ni Daniel Padilla. Hindi kataka-taka kung ang buong sambayanang Pilipino ay maging national anthem itong kantang 'to. Bukod sa lagi itong naririnig, lagi din itong katabi ng mga kabataan sa pagtulog. Nagdudulot tuloy ito ng pagka-LSS ng mga tao. Ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla ay isa sa mga kantang pinang-laban ...