PBBteens4 Big Night

Hello Philippines and hello World!

Natapos na nga ang programa ng sikat na sikat na bahay sa buong Pilipinas ang PinoyBigBrother Teens 4. Malaking katanungan ang nabuo sa mga tao ukol sa mga bagay na kung sino ang karapat-dapat manalo at kung sino ang nagpakatotoo sa apat na natitira na umabot sa pinakahihintay na Bignight.

Madaming agam-agam, kuro-kuro at opinyon na kumalat sa gilid-gilid. Umabot pa sa pinag-aagawang Sparatly Islands.
"Siya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya siya ang dapat manalo!" sabi ng kapitbahay namin na hindi naman binabanggit kung sino ang gusto nyang manalo.
"Iboto po natin si Joj and Jai dahil sila ang naging mabuting halimbawa ng kabataang pinoy" Opinyon ng isang sikat na artista. Hindi ko masyadong naalala kung ano ang eksakto nyang sinabi basta ganyan yon.
"Ang Big Winner para sa akin ay si Karen. Sya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya." Sabi nung kulot na mamayan ng pinakamamahal nating Pilipinas.
"Siya ang nagpakatotoo. Go! Roy! " Narinig ko lang habang naglalakad ako at bibili ng tsitsirya sa kanto.

Kung lahat sila nagpakatotoo sakanila sino pa ang hindi karapat-dapat manalo? Kaya siguro binigyan ng dalawang option ang mga bomoboto para malaman kung sino talaga ang kapatdapat manalo.
Respetuhin kung sino ang nanalo dahil hindi na ito mababago. Sa bawat kompetisyon ay may nanalo at may natatalo.
"Oh! ayan na Big Winner nyo!" (please insert picture)
"Walang kwento yung nanalo ang panget! "
"Hindi ka deserving myrtle"
"Dahil mayaman kayo kayang-kaya nyong bumili ng boto!"
Ganito ang mga narririnig rinig ngayong kumento sa bawat kanto ng mga lugar sainyo.
Bakit gawain na ng mga Pilipino ang magkumento? magkumento ng magkumento?
Sa bawat nangyayari at pagbabato nila ng mga panget na mga kumento, dito natin malalaman kung ano ang tunay ng ugali ng bawat Pilipino. Madaming nakakabasa at madaming naeepektuhan. Madaming nagrereact at madaming bumabatikos.

IKAW? KARAPAT_DAPAT NGA BA SYANG MANALO?


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SIRENA ni Gloc-9

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

Fake News ka ba?