Tumingala, Humakbang at Tumingin sa Likod

MABUHAY ANG MGA PILIPINO! MABUHAY!

WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! WALANG KAI-KAIBIGAN!

AK0 ANG BOSS NYO!

Ito ang mga salitang binitiwan ng mga muscleman na tao na tumatak sa puso at isip ng mga Pilipino.
Sino ang nagsabi nito? magtanong ka lang sa mga tambay dyan sa kanto, nagbebenta ng laman sa gabi, adik, at mga naglalako ng mga double dead na baboy, sigurado masasagot nila yan ng walang kurap at poot sa damdamin.
pagtag-init, madaming nagtitinda ng pampalamig tulad ng ice cream, ice candy, ice at kung ano-ano pang ice.
pagtaglamig, samu't saring mga pampainit ang nagsusulputan sa atin lalong lalo na sa gabi na matatagpuan sa iba't-ibang
panig ng kanto ng lugar nyo. Parang kampanya ng mga muscleman, nagtitinda sila ng ibat-ibang panulat.
mahilig silang manukli kahit sakto lang ang pera mo, minsan naman hindi ka pa nagbabayad susuklian ka na nila. Aakalain
mong pasko sa SOBRANG dami ng aguinaldo. Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi naliligo, mahilig
silang magplantsa kahit marumi ang damit NILA at mahilig silang makipaglaro ng jackstone, luksong baka, patentero,
harangang daga, barbie doll at bahay-bahayan. Magaling ang mga muscleman sa larong taguan, susuko kayo sa sobrang galing nilang magtago,luluwa na mata mo, tutulo na laway mo at aamagin ka na hindi mo pa din sila mahahanap.
Parang mga member ng gang ng dragon ball Z na kayang-kayang magteleport! wushung!
ganito ang mga gawain ng mga muscleman, ang manukli kahit hindi ka pa nagbabayad at makipaglaro ng larong alam ko,alam nya at alam nating lahat.

Tirik na araw, madaming tambay sa eskinita, nag-uunahang mga jeep, at nakakauubong usok ng sasakyan, ganito ang magandang araw na bumungad ng aalis kami ng bahay. Napili na naming sumakay ng taxi dahil sa init at pagod sa
Pakikipag-unahan sa mga taong nagsisiksikan para lamang makasakay ng jeep. nakasakay na kami ng taxi....., nagtatawanan kami ng oras na yon ng biglang nagpreno si manong driver.

DRIVER: @#$%^&**()
KAMI: (nasubsob sa kinauupuan to the 10th power)
FOOTBRIDGE: BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY!!!! (galit na pagkasabi)
AKO: (ngumiti lang)

Mas mabilis nga naman kung hindi ka na gagamit ng footbridge sa pagtawid, mas mabilis ka nga lang mamatay. ikaw ang dahilan at ikaw din ang problema. Sa dami kong nakikitang babala, BAWAL UMIHI DITO, BAWALA MAGTAPON NG BASURA DITO, pati ISANG SAWSAW LANG PO! Sabi ni manong mag-iihaw. Mga 1/4 ng nakababasa nito ang gumagawa lamang nito. Paano tayo uunlad kung sa simpleng paalala hindi pa natin nasususnod. DISIPLINA, ito ang wala sa atin ngayon na pilit na binabaliwala ng mga tao. Nakakalungkot mang isipin ngunit ganito talaga ang nangyayari ngayon,
kung hindi ka pa huhulihin ng MANGONGOTONG hindi ka pa sususnod sa mga ganitong bagay-bagay. Nagsawa na tuloy ang AKO MISMO commercial sa atin. AKO MISMO ANG MAGSISISMULA NG PAGBABAGO!

IKAW ANG DAHILAN AT IKAW DIN ANG PROBLEMA!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SIRENA ni Gloc-9

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

Fake News ka ba?