Ang Magulong Pag-iisip ni Budoy
Meron akong ano! meron akong kwento!
Meron akong ano! meron akong kwento!
Meron akong ano! meron akong kwentol
Ah wala,wala,wala,wala,wala,wala.
Meron nga akong kwento. Madaming kwento. Mga sampong sako ng kwento.
Dahil sa sobrang dami ng gamot na dumadaloy ngayon sa aking katawan kung ano-ano na ang naiisip ko't naiimagine.
Ang pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT, gustong patalsikin si Sen. Enrile, pagpirma ng COC ng gustong tumakbo o kandidato, paglaganap ng kasaysayan ni Juana Change, bakit tomboy si Tina ayon sa libro ni Pareng Eros at bakit malungkot si Anabelle na best friend ng kapitbahay namin na pinsan si Cornello na nagbebenta sa palengke at nanay ni Anastasia.
- - - - - - - -
Bakit kaya Portoguese si Magellan? Bakit sabi ng iba Espanyol daw ito. Ayon sa aking pagkakaalam. Lakwatsero si Magellan. Makati ang paa. Mahilig gumala. Dahil sa paggala nya, napatunayan nya na bilog ang mundo gamit ang bestfriend nyang barko. Nang sinabi nya sa Hari ng Portuguese inirapan lang sya at nagwalk out. Dahil nga lakwatsero itong si Magellan nagpunta sya sa Hari ng Espanya. Hindi sya inirapan. Nginitian sya at pinaniwalaan na bilog ang mundo. Binigyan sya ng mga kasama sa paggala. Natagpuan nya ang Pilipinas dahil lakwatsero nga sya. Sya din daw ang nagpangalan sa ating bansa. Sinunod nya sa pangalan ng Hari ng Espaya. Si Haring Philip. Pero hindi talaga ito ang tunay kong kwento may kwento pa kong iba. Bigla lang pumasok sa isip ko si Magellan.
------------
Bakit iyak ng iyak ang mga palabas sa tv sa kahit na ano mang channel? Simula sa tanghali hanggang gabi. May aapihin. Magpapaapi ito. Sasabunutan. Iiyak. Tapos sasabunutan ulit. Iiyak ulit. Paulit-ulit lang tsaka pa lang makakapagdecide na gumanti. Lalabas si Miriam Defenssor Santiago "Matakot kayo. Tinatakot ko kayo". Yung inaapi naman ang mang aapi. Tapos malalaman apon sya. Ipapa-DNA na sikat na sikat kahit san man sulok ng Pelikulang Pilipino. Tapos biglang babait ang nang-aapi. Magkabati na sila. END.
Mahili tayo sa mga palabas na kailangan maganda ang ending. Hindi mamatay ang Bida. Magbibida-bidahan sya hangganghuli. Ewan ko ba kung bakit. Emo mga Pilipino. Gusto nila heavy drama. Gusto nila ng sampalan. Iyakan. Ewan ko ba sa mga heavy drama fan. Karamihan naman mga tanders. Kaya tiwala lang.
Bakit nagtataka ang mga magulang kung bakit makikiri na ang mga bata nilang mga anak? Bakit nga ba? Dahil ito sa mga palabas sa tv. 14,15,16 years old pa lang may syota na? KInikilig na?Parang naiihi lang? Tapos may kiss kiss pa? Pinapanood naman ng karamihan. Patok sa masa. Para maintindihan ang aking sinasambit manood na lamang ng tv. Weekdays, sa gabi at linggo, tuwing hapon.
Ang dami kong kwento. Sa dami nito nagkagulo na sila. Kaya magulo din ito.
Meron akong kwento, Meron akong kwento, Wala! Wala! Walang kwenta!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento