Walang Hanggan ni Coco at Julia isama na natin si Richard at Dawn
Sampalan, sabunutan, suntukan, sigawan, barilan, tapos iiyak sabay DNA na.
-Kahit alam kong mali. Kahit pwedeng masunog ang kaluluwa ko sa impyerno, gagawin ko pa din alang-alang sa pamiilya ko.
-Wag ka sanang panghinaan ng loob dahil patuloy kong ipaglalaban ang mga pangarap natin.
-Nakipag sabwatan siya kay Miguel para hindi matuloy ang kasal natin Emily. Nalulungkot ako dahil ganun ang nanay ko Emily.
Dahil sa mga linyang binbitawan ng mga artista sa isang teleserya, malakas ang hatak at naiimpluwensyahan ang mga manonood. Kagaya ng Walang Hanggan nila Coco at Julia / Richard at Dawn na madaming followers at mataas ang ratings. Kasama na kapitbahay namin dyan na halos laman ng tsismis nila ang teleserye araw-araw.
Bakit nga ba Walang Hanggan ang Title ng teleseryeng ito?
Dahil sa walang hanngan din ang sampalan, suntukan, iyakan at walang hanngan din ang buhay ng kotrabida tapos may ampon tapos DNA na.
Nagtanong-tanong ako sa mga socially concerned citizen kung ano ang pananaw nila at kumento sa palabas na ito.
Kaibigan 1: Pinapanood ko yan dahil maganda ang story at may moral lesson pa.
Kaibigan 2: Ang pogi ni Coco kaya pinapanood ko to. Kinikilig ako. (Kiring bata)
kaibigan 3: Magagaling ang mga artista nakakadala ng mga manonood.
Kaibigan 4: Sabi nila maganda daw kaya pinapanood ko na. Nakikiuso lang ako.
kaibigan 5: Ayokong manood ng mga ganyan. Heavy Drama.
Kahit ano man ang sabihin nila. May iba't-iba tayong gusto at kahit na ano pa ang kumento ng bawat isa sa isang bagay wala tayong mgagawa dahil may kanya-kanya tayong isip at pananaw sa buhay.
Hindi na mawawala sa mga Pilipino ang mga ganitong heavy drama na pelikula o palabas. Isama na natin si Mr. DNA na sikat na sikat sa mga palabas pangpilipino. Kailanga happily ever after ang ending.
Salamat sa nang-aapi at inaapi dahil sainyo madaming Pilipino ang nahuhumaling sainyo.
Iba ang pelikula at teleseryeng Pilipino! Sampalan, sabunutan, suntukan, sigawan, barilan tapos iyak sabay DNA.
Panoorin natin ang huling yugto ng Walang Hanggan. Hanggang Biyernes na lang!!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento