Kampanyahan 2013
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan, pagpapaPOGI, pagpapaGANDA, pagpapaPANSIN, at pagpapakita ng muscle upang mabitbit ang sambayanang Pilipino sa binubulag na mundo.
Utang na loob attack- ito ay isang sakit na kalimitang nakikita sa mga kanto ng lugar niyo. Bibigyan ka nila ng tulong o ipapagamot ka nila basta't isulat mo lang ang pangalan ng musclemang ito sa kaprasong papel at ilagay sa balot box. Kagaya sa komersyal ngayon ng isang politiko na may batang binibida ang isang politiko ukol sa naiambag nito o naitulong.
Sakit na may kalabit penge- isang sakit ng mamamayang Pilipino na kung saan ay nababalutan ng kakaibang enerhiya upang dalhin ka sa binubulag na mundo. Medyo kapareha ito ng Utang na Loob Attack ngunit ang kaibahan ng Sakit na May Kalabit Penge ay kakalabit ka lang at may aguinaldo ng makakarating sa iyo. Hindi ka na magmamakaawa na tulungan ka sa kahit na anong karamdaman. Basta't kumalabit ka lang may aguinaldo ka ng matatanggap. Walang kurap At your service.
Sakit sa bulsa- ang sakit na ito ay hindi kusang dumadapo kundi nasayo kung gusto mong magkasakit nito o hindi. Magiging sikat ka, makikilala ka ng sanlibutan, at siguradong iboboto ka ng mamamayang Pilipino basta't dumukot ka lang sa iyong bulsa at ipamigay sa kunwaring nagangailangan.
Madami pang mga sakit ang lipana sa panahong ito. Lalo na't kailangang mangampanya ng Muscleman upang makilala at dalhin tayo sa binubulag na mundo. Ilan lamang ito sa mga sakit na yon. May kanya-kanya tayong pamamaraan upang masabi na POGI ako o Maganda ako. Pwede ding MUSCLEMAN ako.
-
-
-
Ate: Kukuha akong tubig.
Ako: Kuha mo na din ako.
Ate: Sige. Wait lang.
Pagbigay sa akin ng baso.
May naka-printa. Binasa ko. "Subok sa Serbisyo (May kasamang logo ni Superman)
Kanya-kanyang diskarte sa pagpapakilala at kanya-kanya din kung paano at kung saan mo ilalagay ang ka-epalan sa buhay.
Sa susunod lalamunin na tayo ng sandamakmak na printa o pangalan ng nangangampanyang Muscleman. (Ayoko ng magkumento pa. Baka magulat na lang ako dinadampot na ako ng pulis)
-
-
-
Mga katangian ng mucleman sa ganitong panahon:
-
-
-
Kapag kampanyahan ng mga muscleman, mahilig silang magtinda ng iba't-ibang panulat, mahilig silang manukli kahit sakto lang ang pera mo at minsan naman hindi ka pa nagbabayad susuklian ka na nila.
Aakalain mong pasko sa SOBRANG dami ng aguinaldo.
Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi naliligo, mahilig silang magplantsa kahit marumi ang kanilang mga damit at mahilig silang makipaglaro ng jackstone, luksong baka, patentero, harangang daga, barbie doll at bahay-bahayan.
Magaling ang mga muscleman sa larong taguan, susuko kayo sa sobrang galing nitong magtago, luluwa na mata mo, tutulo na laway mo at aamagin ka na hindi mo pa din sila mahahanap. Parang mga member ng gang ng dragon ball Z na kayang-kayang magteleport! wushung!
Ganito ang mga gawain ng mga muscleman, ang manukli kahit hindi ka pa nagbabayad at makipaglaro ng larong alam ko,alam nya at alam nating lahat.
Sa panahong ito ay maraming mga sakit ang lipana sa mundo, lalo na kung sasapit ang araw na kailangan kumanta ng Boom Tarat-Tarat habang may namimigay ng pera, cd, gift certificate, candy at kung ano-ano pang pwede maibigay basta't sumaya ka lang at mabitbit sa binubulag na mundo.
Utang na loob attack- ito ay isang sakit na kalimitang nakikita sa mga kanto ng lugar niyo. Bibigyan ka nila ng tulong o ipapagamot ka nila basta't isulat mo lang ang pangalan ng musclemang ito sa kaprasong papel at ilagay sa balot box. Kagaya sa komersyal ngayon ng isang politiko na may batang binibida ang isang politiko ukol sa naiambag nito o naitulong.
Sakit na may kalabit penge- isang sakit ng mamamayang Pilipino na kung saan ay nababalutan ng kakaibang enerhiya upang dalhin ka sa binubulag na mundo. Medyo kapareha ito ng Utang na Loob Attack ngunit ang kaibahan ng Sakit na May Kalabit Penge ay kakalabit ka lang at may aguinaldo ng makakarating sa iyo. Hindi ka na magmamakaawa na tulungan ka sa kahit na anong karamdaman. Basta't kumalabit ka lang may aguinaldo ka ng matatanggap. Walang kurap At your service.
Sakit sa bulsa- ang sakit na ito ay hindi kusang dumadapo kundi nasayo kung gusto mong magkasakit nito o hindi. Magiging sikat ka, makikilala ka ng sanlibutan, at siguradong iboboto ka ng mamamayang Pilipino basta't dumukot ka lang sa iyong bulsa at ipamigay sa kunwaring nagangailangan.
Madami pang mga sakit ang lipana sa panahong ito. Lalo na't kailangang mangampanya ng Muscleman upang makilala at dalhin tayo sa binubulag na mundo. Ilan lamang ito sa mga sakit na yon. May kanya-kanya tayong pamamaraan upang masabi na POGI ako o Maganda ako. Pwede ding MUSCLEMAN ako.
-
-
-
Ate: Kukuha akong tubig.
Ako: Kuha mo na din ako.
Ate: Sige. Wait lang.
Pagbigay sa akin ng baso.
May naka-printa. Binasa ko. "Subok sa Serbisyo (May kasamang logo ni Superman)
Kanya-kanyang diskarte sa pagpapakilala at kanya-kanya din kung paano at kung saan mo ilalagay ang ka-epalan sa buhay.
Sa susunod lalamunin na tayo ng sandamakmak na printa o pangalan ng nangangampanyang Muscleman. (Ayoko ng magkumento pa. Baka magulat na lang ako dinadampot na ako ng pulis)
-
-
-
Mga katangian ng mucleman sa ganitong panahon:
-
-
-
Kapag kampanyahan ng mga muscleman, mahilig silang magtinda ng iba't-ibang panulat, mahilig silang manukli kahit sakto lang ang pera mo at minsan naman hindi ka pa nagbabayad susuklian ka na nila.
Aakalain mong pasko sa SOBRANG dami ng aguinaldo.
Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi naliligo, mahilig silang magplantsa kahit marumi ang kanilang mga damit at mahilig silang makipaglaro ng jackstone, luksong baka, patentero, harangang daga, barbie doll at bahay-bahayan.
Magaling ang mga muscleman sa larong taguan, susuko kayo sa sobrang galing nitong magtago, luluwa na mata mo, tutulo na laway mo at aamagin ka na hindi mo pa din sila mahahanap. Parang mga member ng gang ng dragon ball Z na kayang-kayang magteleport! wushung!
Ganito ang mga gawain ng mga muscleman, ang manukli kahit hindi ka pa nagbabayad at makipaglaro ng larong alam ko,alam nya at alam nating lahat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento