Leibster Award na Ayaw sa Eleven

Ang Leibster Award ay ibinibigay daw sa mga bloggers na may kulang sa 200 followers para ma-realize na malungkot ang buhay nila.- Kuya Le

Tinag ako ni Kuya Le sa Facebook.

Binuksan ko yung konting link.

Binasa ko. Dawalang beses. Sponge Reader kasi ako.

Natuwa ako. May pumapansin pala sa akin.

Dahil inggitero ako gagawin ko 'to with feelings.


The Rule:

Share 11 facts about yourself.
Answer the 11 awarder's question.
Ask 11 question of your own.
Nominate 11 bloggers.

(Bakit eleven? Pwede bang five na lang?)

Eleven Facts:

1. Ako po si Don Gerard Budoy. Kapag tinatawag ako ng Prof ko o kahit sino mang nilalang na nakakakilala sa akin sa eskwelahan lagi akong tinatawanan. Yung tawa nila na medyo may question mark na nakapatong sa noo. BUDOY kasi ang tawag sa akin sa eswelahan.Ayaw pa nilang maniwala na ayon ang apelyido ko. Kailangan ko pang ipakita ang i.d ko para maniwalang AKO BUDOY. Alam ko namang kamukha ko si Gerald Anderson wag niyo namang ipagkalat. Please lang.

2. Masipag akong maglakad. Kahit gaano pa kalayo. Kaya pagdumadating ako sa pupuntahan ko, amoy SIMANGDOMENG na ako. Hindi ako tipid na tao kaya hindi ako sumasakay. Lakad-lakad din pagmay time. Wala naman kasi talaga akong titipirin.

3. Sabi nila POGI daw ako. Naniniwala naman ako.

4.Pangarap ko maging Engineer balang araw, ang itaas ang ekonomiya ng bansa, bigyan ng hanap-buhay ang mga walang trabaho, sagipin ang kalikasang nasisisra na at bigyan ng wheel chair lahat ng politikong nakaupo sa rurok ng tagumpay.

5. Papansin akong tao at inggitero kaya minsan asar na sa akin ang ibang tao.

6. Mabilis akong maligo. Sobrang bilis. Super Bilis. Kukurap ka lang nakalabas na ko ng banyo at fresh na fresh na ulit.

7. Mahilig akong magmidnight snack ng kanin. Kahit toyo at mantika lang ang ulam basta may kanin.

8. Dati, once a day lang ako magtoothbrush. Ngayon, thrice a week na. Naglevel up na ko.

9. Malaki ang ilong ko. Malapit ng sakupin buong mukha ko. Kaya pagnagpipicture ako kailangan side view lagi.

10. Mahilig ako sa mga kadiring palabas. Yung tipong. Hihiwain yung tiyan at ilalabas ang bituka at kung ano-ano pang lamang loob pagkatapos ay kakain. Yung hindi luto. Masarap daw kasi pag fresh.

11. Kung sino man ang magsasabing kamukha ko Tatay ko. Murahin niyo na lang po ako at sampal-sampalin.


Mga katanungan ni Kuya Le:

1. Kung may pagkakataon kang mabuhay nang 500 years, ano'ng gagawin mo? Maiinip ka ba? Tapos yung mahal mo sa buhay, isa-isang nauuna na. Ikaw, bagets pa rin.

-Maiinip ako. Wala na bang tawad? Sige na.

2. Naniniwala ka bang first love never dies? Ano'ng problema ng first love at hindi maalis-alis sa isang sulok ng puso?

-Ibabalik ang tanong sa nagtatanong.

3. Bakit may bakla? Bakit may LGBT community kahit sabi sa bible eh lalaki at babae lang ang nilikha ni God?

- Naniniwala ako sa Alamat ni Pareng Ricky Lee.

4. Takot ka ba sa gagamba? Yung ga-palad na nasa banyo tapos parang mechanical maglakad?

- Hindi naman. Mas natatakot pa ko sa salamin.

5. Kaya mo bang maligo na hindi nag-iinit ng tubig? Ako kasi hindi.

- Sayang lang yung gas. Ganon din naman parang hindi din ako naligo kahit maligo pa ko ng ilang beses.

6. Sa paanong paraan mo pupuksain (Hindi ko masabing patayin kasi patay na) ang isang zombie?

- Kagaya nang, kung papano puksain ang patay na kuko.

7.  Ipakilala mo sa akin ang isang bestfriend mo at ipaliwanag kung paanong nagtrip ang universe at ginawa kayong magbestfriend?

- Sige. Pagnagkita ulit tayo. Papakilala ko siya sayo.

8. Kung magpapalit ka ng Relihiyon, ano at bakit? C'mon. Oo, loyal ka. Hypothetical lang naman, Friend.

- Base ito kung ano pa lang ang nadaluhan ko. kung papaano sila magmisa at kung ano ang mas kapani-paniwala sa kanilang lahat para sa akin. Born Again siguro. Mas kaya nilang ipaliwanag kung ano ang Relihiyon nila. Parang kaya nilang bitbitin saan man sila mapunta.

9. Agree ka ba sa feeling ko na mado-dominate tayo ng mga koreano in a no-so-distant future? at ang susunod na salinlahi ay magmumukang singkamas? Bakit? Bakit hindi ka agree??? Hindi ka ba nakakahalata??!!

- Pwede bang umiyak? Iyak na iyak na ko. Gusto ko lang naman bumaba ang bilihin sa Pilipinas.

10. Mga kailan kaya makakaalpas ang Pilipinas sa pagiging 3rd world country? Darating kaya ang panahon na magiging international language ang Filipino?

- Pagwala ng muscleman na tao. Gamitan kasi lagi ng mausle sa panahon ngayon.. Pwede, tapos magkakaiba din ng  accent.

11. Sakaling maglalabas ako ng libro ilang taon mula ngayon, bibili ka ba na kopya at hindi mangangantiyaw na bigyan na lang kiyta dahil friend kita?

- Oo naman. Pero mas maganda kung bibigyan mo na lang ako. Sige na. Hindi ko pagsasabi. Haha!


Mga Katanungan ko:

1. Naniniwala ka ba na POGI ako? Ang dami ng nagsasabi pero hindi ako naniniwala. Kung hindi kailangan akong ilibre ng McDo at isulat ang pangalan ng naka-bending.

2. Kung magiging artista ka sa isang buong araw international man o loca? Sino at bakit? Yung walang bahid ng kadugaan.

3. Naniniwala ka bang nakaligo na sa Dagat ng Basura si Sen. Villar? Bakit? Nakita mo na?

4. Naniniwala ka ba sa theory ni Charles Dawin? Kung Oo, papayag ka bang mukha kang unggoy? kung hindi naman, tumingin sa salamin dahil iyon ang magsasabi ng tamang desisyon.

5.Kapag lumulunok ng bato si Darna saan napupunta?

6. Nasa elevator ka. Madaming tao. Anong mas gusto mo? Lumobo ang sipon mo. Color green. As in lobong-lobo habang nasa elevator? o umutoto ng malakas na kayang-kayang umistambay sa ilong ng nakakaamoy ng ilang minuto?

7. Bakit laging may ampon-ampon na eksena sa mga palabas ngayon sa tv? Tapos DNA. Tapos dadayain yung DNA para hindi malaman. Tapos malalaman din bandang huli. Tapos mag-iiyakan. Tapos.. Tapos na.

8. Bakit pagnagkaka-kaso ang mga muscleman na tao sa politika may kaakibat agad na wheel chair? Ginagamit ba nila itong sandata? Anting-anting? Karamay sa hirap at ginhawa?

9. Bakit ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Bawal ba ang may asawa't anak na? May apo na?

10.Anong masasabi niyo sa mga blog ko? Tunay nga ba ito? Kaaya-aya? Pwede na? Walang kwento? Panapon?

11. May pag-asa pa bang dumami ang followers ko? Hindi na isa kundi madaming-madami mga isang sako? (Ifollow niyo ko Please)

Ninonominate ko:  

Kuya Le
- Ang hirap ng mga tanong mo muntikan na kong maiyak. Haha! Salamat ulit Kuya.

Krystal Budoy
- Gawin mo din ito. Para sumaya ang buhay.



(Mahirap pa lang mag-isip ng tanong kaya't pagpasensyahan niyo na po kung hindi po ito kaaya-aya o mapaklang ewan)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hilot na May Kasamang Bulong o Tawas na May Kasamang Dasal?

SIRENA ni Gloc-9

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon