Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

MMFF 2016

Imahe
Mahirap bitawan lalo na kung nakasanayan dahil hindi magtatagal hahanap-hanapin mo na ito at aasa-asang magiging permanente ang nakasanayan. #Hugot Nabigla ang lahat ng ibalita sa publiko ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016 sa darating na kapaskuhan. Nagkalat ang tsismis. Maririnig, Makikita, Maaamoy, At mararamdaman, saan man magpunta. Bagong mukha nga ba ito ng MMFF? Maaring bago dahil para sa akin nasanay tayo sa mga pelikulang pinapalabas tuwing pasko na malalaking artista ang nasa big screen At kung saan humalakhak ang marami doon itataya ang 200 pesos nila. Minsan may bakas pa itong 100 pesos para sa tsitsirya habang nasa loob ng sinehan. Noong nakaraang linggo, yinaya ko yung isa kong katrabaho manood ng sine sa pasko dahil nararamdaman ko hindi kami bibiguin ng mga ito. Ayaw daw niya dahil puro indie naman daw ang palabas. Hindi na ako sumagot. Ninamnam ko na lang kung ano ang ang sagot niya sa akin at bigla na lang akong napatanong sa sarili

Si Nanay at Ang Social Media

Imahe
Mabilis na komunikasyon, para sa mabilis na aksyon. Active ako sa social media. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi abot ng powers ko. Habang nagbabasa ako ng mga saloobin ng ilan sa Facebook, may pumukaw sa akin upang basahin ng mabuti at namnamin ang bawat detalye ng socially concerned citizen. Habang binabasa ko ito, naisipan kong  i-share para umabot kung nasaan man ang pamilya ni Nanay. Sa simpleng pag-share ay baka sakaling maibsan kahit ka onti ang nararamdaman niya. Dahil marami ang nakabasa nito at nag-share umabot sa pamilya ni Nanay ang nangyari.  Nakakamangha at nakakataba ng puso sa simpleng pagbasa at pag-share umabot ito sa pamilya ni Nanay upang ipaalam sa pamilya nito kung ano ang nangyari sa kanya. At kay Ate na nag-post nito, isa kang alamat dahil ginamit mo ang Facebook upang makatulong sa nangangailangan. Ganito kalakas ang kapang

Biyahe ni Budoy

Imahe
Si Budoy. Sanay ng mahirapan,  masaktan  at maghitay si Budoy. Huwag tularan si Budoy. Nakatira ako sa Bulacan at sinusuyod ko ang kahabaan ng EDSA para makapasok sa trabaho. Lunes hanggang biyernes ang pasok ko sa trabaho. 9am hanggang 6pm ang oras kasabay ang mga nag-oopisina sa buong Q.C at Maynila.  Kung may hinahabol, OT ng sabado para sa ekonomiya.  Bago pumasok ito ang mga kailangan ni Budoy: 1. Pamasahe sa fx. Baka ilaglag ako sa NLEX kapag hindi ako nagbayad. 2. Beep card para sa tren. Mas maganda kung may ganito para hindi ka na pumila araw-araw. 13 pesos yata ang pinaka mababang pwedeng i-load sa beep card. 3. Para mapagtagumpayan ang number 1 at 2  kinakailangan may tibay at lakas ng loob. Kasama na rin ang magandang kalusugan dahil hindi biro ang iyong pagdadaanan. Araw-araw at paulit-ulit ng ganito ang nararanasan ko at ng mga commuters saan man sulok ng ka-maynilaan.  Nakakapagod pero kailangan. Nakakainis pero

Killing is Killing Sabi nga Nila

Handa ka bang harapin ang pagbabagong inaasam-asam at mawala ang nakasanayan? Isa sa mga tsismis na ipapatupad ng bagong Presidente na si Mayor Duterte ay ang pagbalik ng Death Penalty o Bitay. Bilang isang socially concerned citizen, ito ang pagkamot ko kung bakit suportado ako sa pagbalik nito. Karapatang Pangtao Sabi nila lahat ay may pagkakataong magbago at kawalan raw ng karapatang pangtao ang pagpatay. Tama naman ito. Lahat ay may karapatan at pagkakataong magbago, ngunit ilan lang ba sa kanila ang tunay at kayang panindigan pagbabagong ito?  Sa bawat sampung nakakulong dahil sa matinding kasalanan, isa lang dito ang tunay na nagsisisi at sinusuka ang maling nagawa. Kung ni-rape, pinatay at tinapon sa ilog, nasaan ang karapatang pangtao? Kung hindi tao ang turing sa iba, kaya mo bang bigyan ng pagkakataon at karapatan itong magbago? Pasilidad Dahil hindi natatakot gumawa ng kasalanan ang mga kriminal, tumataas ang bilang ng krimen sa bansa na nagi

Paraiso ng Bataan

Imahe
Hindi matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay ang sayang dulot ng mala-paraisong taglay ng Pilipinas. Sa unang pagkakataon, naranasan kong magbakasyon gamit ang pinagpaguran ko kasama ang malalapit na kaibigan. naranasan kong magluto gamit ang lumang tradisyon. naranasan kong makahawak o madampian  ng sariwang hangin. at naranasan kong dumaan sa matatarik na bundok makita lang ang tinatagong ganda ng Pilipinas. EXPECTATIONS VS REALITY Sabi ng mga kapitbahay, nagtitinda ng balot sa gabi at umiinom ng Gin Bulag sa kanto, huwag daw mag-expect dahil kaya ka nitong dalhin sa mundo ng imahinasyon. Dahil ito ang paniniwala ng iba, ganito na din ang naging pananaw namin upang hindi mabigo. Habang nasa biyahe, walang nakapigil sa amin kahit mainit dahil tirik ang araw at masakit ang katawan dahil sa malaking lubak na dinaanan. Kami ang mga PABEBE at walang makakapigil sa amin makita lang ang tinatagong ganda ng Pilipinas! . . . . Pagbaba ng sasakyan

Balita na may Halong Chismax

Imahe
Ang bawat salita ay makapangyarihan dahil sa modernong panahon kaya ka nitong dalhin sa mundo ng reyalidad. Isang linggo na ang nakakalipas noong nagkalat ang bawat kumento ng mga Pilipino ukol sa kontrobersyal na interview ni Manny Pacquiao.  BIBLIYA vs PAGKAMOT ni BUDOY Nakasaad sa bibliya kung ano ang opinyon , kumento o paniniwala ni Manny. Bawat isa ay may kanya-kanyang paniniwala. Pinaniniwalaan dahil iyon ang pinaninidigan. Bilang isang relihiyosong  kristiyano si Manny, ito ang opinyon niya dahil ito ang alam niyang tama. Para sa akin, tama ngunit ang ang piniling salitang binitawan ay mali. Mali dahil sa modernong panahon ang salita ay kaakbay na ng damdamin. Bilang isang kristiyano, kung ikaw ay may respeto sa pinaniniwalaan mo dapat hindi rin mawawala ang respeto sa kapwa at paniniwala ng iba, dahil may iba't-iba tayong paniniwala at pinaninidigan. SAME SEX MARRIAGE vs PAGKAMOT ni BUDOY Lahat ay pinapangarap maglakad sa altar kasabay ang t