Mga Post

Saan ka ba Natatakot?

Imahe
Matatapos ang isang pangungusap sa TULDOK . Hindi sa KUWIT . Hindi sa TANDANG PANONG . Hindi sa TANDANG PADAMDAM . Matatapos ang lahat sa TULDOK . Sanay kaming sabay-sabay kumakain ng tanghalian o hapunan. Ito rin ang nagiging instrumento sa amin para makapag-usap, magkamustahan, magtawanan at magbigay ng kanya-kanyang saloobin. "Bawas-bawasan mo na ýang pagyoyosi mo!" Sabi ng Nanay ko sa akin. Mag-iisang dekada na yata akong naninigarilyo. Matagal na. Hindi ko na matandaan. Masama, Oo. May kamahalan, Oo. Hihina ang baga, Oo. Walang magandang maidudulot, Oo. Sa madaling salita, kapag naninigarilyo ka, maaga kang mawawala. Pero bakit nga ba ako naninigarilyo? Hindi ko rin alam. Basta, ito lang ang kapiling ko kapag malungkot, masaya o naiinip. Alam niya ang lahat sa akin at alam ko rin ang lahat sa kanya. Tayo na lang kaya? Baka saýo may Forever. Haha! "Mamatay ka kung mamatay ka" Balik ko. Binilinan ko na rin siya na may makukuha siya sa trabaho kung sakaling mawala

Para kay Tatay, Itay, Papa, Tay, Daddy, Dad atbp

Imahe
Pa, Kumusta ka na? Anong ginagawa mo? Iniinom mo ba mga gamot mo? Bawasan mo na ang yosi mo dahil tumatanda ka na at marami ka ng nararamdaman. Huwag kang magpapalipas ng kain. Huwag mo na kaming masyadong isipin dito, nagtutulungan naman kaming magkakapatid para makaraos sa pang-araw-araw. Lagi pa rin akong bumibili ng paborito mong tinapay kapag sahod. Syempre, si Cas pa rin ang laging nakakaubos. Hindi ko alam kung anong mayroon sa tinapay na yon at gustong-gusto niyo. Si Lourd at Tak lagi kang tinatawag kapag nakikita picture mo. Kapag umaalis kami o galing sa labas ng matagal lagi ka nilang tinatawag pagpasok nila ng bahay. Miss ka na namin dito, sobra! Bumili na pala kami ng sofa at bagong dining table. Mura lang ang bili namin. Hehe! Pero hindi pa namin tapos bayaran. Ka onti na lang matatapos na din naman. Tsaka 'yung tv na regalo sa inyo ni Ate Krys, nasira na. May sounds naman kaso walang video. Hindi pa namin napapagawa kasi medyo may kamahalan. Kung n

Pag-ibig sa Tamang Panahon

Imahe
Paano mo malalaman na siya na ang gigising sa namatay mong ugat? Siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake mo? Siya na ba ang the one? Para mahanap ang porber, kailangan mong tumaya at sumugal. Walang makakapagsabi kahit socially concerned citizen kung siya na ang makakasama hanggang sa pagputi ng buhok dahil kayong dalawa ang magkukulay sa bawat pahina ng kabanata ng love story ninyo. Dalawa, hindi isa. Dalawa, hindi tatlo. DALAWA! Natural lang  naman ang masaktan kapag nagmahal dahil kapag nagmamahal, nasasaktan at hindi ka iiyak kung hindi ka naging masaya. Tama na ang pagiging ampalaya, tama na ang inggit na nararamdaman kapag may nakikitang magka-holding hands sa kalsada, tama na ang sisihin ang sarili habang nagtatanong at  naglalaro ang isip  na "Panget ba ko? Kapalit-palit ba ako"? at tama na ang hanapin ang pag-ibig na hindi naman kayang suklian dahil ang tunay na nagmamahal,  tanggap kung ano ka, itsura, estado, amoy ng hininga kapag bagong gising, ka

Lunch Break with Task Us PH

Imahe
Mayroon akong nalaman. Gusto kong ibahagi sa inyo at ibahagi rin natin sa iba para maging tsismis sa kanto, sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao, saan mang sulok ng mundo, makakasama niyo, magbibigay ng saya sa bawat isa at maghahatid ng kakaibang ligaya!!!! Bigyan ng Jackeyt yan! Bago matulog, nakasanayan ko ng manood ng mga videos sa Facebook, Youtube, Instagram, at kung ano-ano pang websitse o social media sites gamit ang GOSURF50 ng  Globe  valid in 3 days at may kasama pang 2 GB para sa mga videos na trip mong panoorin. Kaya saan ka na? Lipat na sa globe! Sulit ang 50 pesos mo! Haha! Gamit nga ang GOSURF50 ng Globe , may napanood akong video galing sa isang malaking BPO company sa bansa.  Isa itong short story ng iba't-ibang mukha ng mga Millenials at sumasalamin sa ibat't-ibang kwento ng pagkakaibigan sa loob ng abalang mundo ng bawat empleyado. Namangha ako. Dahil bukod sa nakasanayang trabaho, hinuhubog nila ang iba't-ibang talento ng bawa

Fake News ka ba?

Imahe
Dahil sa modernong panahon, kaakbay ang makabagong teknolohiya,  kaya nating gawing tama ang mali at kaya nating gawing mali ang tama. Kumalat ang balita. Kalat-kalat. As in kalat na makikita mo saan mang parte ng Pilipinas. Sa modernong panahon at makabagong teknolohiya, mabilis na ang pagbibigay ng impormasyon gamit ang Social Media Sites katulad ng Facebook at Twitter.  Isa ako sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya.  Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ang mga ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi kayang abutin ng powers ko. Ganito kalakas ang kapangyarihan ng mabilis na komunikasyon. Aabutin kung ano ang hindi kayang abutin at sabihin ang hindi kayang sabihin dahilan upang lumaganap ang mga FAKE NEWS na magdadala sa atin sa maling impormasyon. Maliban sa telebisyon at diyaryo maaari ka na ding makasagap ng balita sa isang pindot mo lang, kaya wala ng dahilan upang maging salat tayo sa im

MMFF 2016

Imahe
Mahirap bitawan lalo na kung nakasanayan dahil hindi magtatagal hahanap-hanapin mo na ito at aasa-asang magiging permanente ang nakasanayan. #Hugot Nabigla ang lahat ng ibalita sa publiko ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016 sa darating na kapaskuhan. Nagkalat ang tsismis. Maririnig, Makikita, Maaamoy, At mararamdaman, saan man magpunta. Bagong mukha nga ba ito ng MMFF? Maaring bago dahil para sa akin nasanay tayo sa mga pelikulang pinapalabas tuwing pasko na malalaking artista ang nasa big screen At kung saan humalakhak ang marami doon itataya ang 200 pesos nila. Minsan may bakas pa itong 100 pesos para sa tsitsirya habang nasa loob ng sinehan. Noong nakaraang linggo, yinaya ko yung isa kong katrabaho manood ng sine sa pasko dahil nararamdaman ko hindi kami bibiguin ng mga ito. Ayaw daw niya dahil puro indie naman daw ang palabas. Hindi na ako sumagot. Ninamnam ko na lang kung ano ang ang sagot niya sa akin at bigla na lang akong napatanong sa sarili

Si Nanay at Ang Social Media

Imahe
Mabilis na komunikasyon, para sa mabilis na aksyon. Active ako sa social media. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi abot ng powers ko. Habang nagbabasa ako ng mga saloobin ng ilan sa Facebook, may pumukaw sa akin upang basahin ng mabuti at namnamin ang bawat detalye ng socially concerned citizen. Habang binabasa ko ito, naisipan kong  i-share para umabot kung nasaan man ang pamilya ni Nanay. Sa simpleng pag-share ay baka sakaling maibsan kahit ka onti ang nararamdaman niya. Dahil marami ang nakabasa nito at nag-share umabot sa pamilya ni Nanay ang nangyari.  Nakakamangha at nakakataba ng puso sa simpleng pagbasa at pag-share umabot ito sa pamilya ni Nanay upang ipaalam sa pamilya nito kung ano ang nangyari sa kanya. At kay Ate na nag-post nito, isa kang alamat dahil ginamit mo ang Facebook upang makatulong sa nangangailangan. Ganito kalakas ang kapang