Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Para sa mga Muscleman

Imahe
Dahil sa pabago-bagong klimang naararaanasan ay may iba't-ibang mukha ang mga muscleman ng bansa. Pagtag-init, maraming nagtitinda ng pampalamig tulad ng ice cream, ice candy, at kung ano-ano pang pampalamig na swak sa panlasa ng mga Pilipino. Pagtaglamig naman ay samu't-saring mga pampainit ang nagsusulputan upang maibsan ang lamig na naararanaasan. Parang kampanya ng mga muscleman ngayon. Natitinda sila ng iba't-ibang klase ng panulat sa panahong kinakailangan ng boses ng Pilipino na magdadala sa kanila sa  mundong puno ng katanungan dahil sa nararanasang kakulangan ng bansa. Ang mga mucleman rin ay mahilig manukli kahit sakto lang ang pera mo. Minsan nama'y hindi ka pa nagbabayad ay susuklian ka na nila. Aakalain mong pasko sa sobrang daming aguinaldo. Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi pa ito naliligo, Mahilig silang magplantsa kahit marumi pa ang damit nila, at Mahilig silang makipaglaro ng jackstone, luksong baka, patentero, harang

Para kay Krizelda part 2.0

Imahe
Kung para sa iyo, ibibigay ito ng tadhana ng walang kurap ,ang kailangan lang ay angkinin ito, hawakan ng maiigi upang hindi makuha at hindi maagaw ng iba. - Lisensya Nagkalat sa social media ang resulta ng nakaraang LET Exam para sa mga kasalukuyang mga Guro. Pinulot ko isa-isa at ito ang napulot ko. Tinakbo ko ang cp ko at tinext siya na walang pagkurap ng mata kahit na ang katotohanan ang magpapalaya sa akin HULING-HULI na ako sa BALITA.  AKO: Congratulations Krizelda. Isa kang alamat! Sobrang saya ko bukod sa bigote ko. KRIZELDA: Haha! Bakit umiksi?! Bukas hah? Pinayagan na ko eh.  Ganito ko siya binati at ganyan niya ako sinagot. Medyo magulo pero kailangang intindihin.  Noong una akong sumulat  para sa'yo, nagpaggawa ka ng tula at ngayon, sumulat ako para batiin ka Ma'am Krizelda. Ang bilis ng panahon 'sing bilis ng tumakbo ng cp ko sa kanto noong isang buwan. Haha! Congratulations ulit Ma'am Kriszelle. (Ngayon ko lang napansin

Team Discussion

Imahe
ANONG MAS GUSTO MO? FRIENDS INTO LOVERS OR LOVERS TURNS INTO FRIENDS? KINDLY COMMENT..... Ang dami talagang haka-haka,kuro-kuro at lumilipad na opinyon pag-LOVE ang pinag-uusapan. Kagaya ng tanong na ito na pumukaw sa mata ng mambabasa. Sa office. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ng mga ka-officemate ko ang ganitong tanong. Maaring naitanong  dahil may pinanggalingan o tinanong dahil ito ang bulong ng simoy ng hangin? Dahil isa ako sa socially concerned citizen ng bansang ito kumamot na naman ang isip ko upang igalaw ang kamay at magsulat. Ito ang walang kurap na pagsagot ni Robin Padilla sa sikat na tanong. May mga balik na tanong tungkol sa sagot ni Robin. "Ahh bkit??? paki explain naman yan??? "Depende sa sitwasyon pa rin" Sagot ni Robin. "panong depende db sabi ko paki explain bakit yun yung pinili mo?????"  Balik nito. Naputol ang usapan dahil madaming nagbato ng kumento ukol sa haka-haka,kuro-kuro at lumilipad na opinyo

Sana.....

May dahilan upang idilat ang mata araw-araw dahil habang may pangarap, bawat tulo ng pawis ay sumisigaw ng TIWALA LANG. Dalawang taon akong huminto sa pag-aaral. Madaming dahilan. Mga dahilang pinagsiksikan sa dalawang sako upang maintindihan ang reyalidad ng buhay. Malungkot kung sa bawat kilos mo ay may unipormeng naglalakad sa harapan sa bawat kurap ng mata. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako sinanay na ibigay ang gusto, kung ang modernong panahon lang ang may kailangan dito. Dahilan upang hindi lumungkot, kung hindi, maging inspirasyon upang makasunod sa paggalaw ng modernong panahon. Nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Noong una akala ko hindi ko makakaya ang ganitong sistema. Habang lumilipas ang araw nasasanay na akong igalaw ang katawan  ayon sa gusto ko. Lagi kong sinasabi NAPAPAGOD na ko... Pero kung iisipin isa man sa mga ito ang bibitawan ko madaming mawawala. Lahat ng kinakamot ng isip ko pwedeng mawala. Lahat ng gusto ko at kailangan ng mod

Kwentong Lung Center

Happiness is a choice! nasa iyo kung mananatili kang malungkot o gagawa ng paraan para lumigaya at hindi magmukmok-  DAMUHAN Sabi ni Ricky Lee may quota ang pag-ibig, sa bawat limang umiibig isa lang ang nagiging masaya. Totoo nga bang may quota ang pag-ibig? o kathang isip lamang 'to? Sa modernong panahon ngayon lahat ng bagay kaakbay ni Kerubin. Sa bawat hakbang at sa bawat hanging dumadampi sa katawan lahat ito ay may halong kwento ng pagtibok ng puso ni Juan, Satornina, Fernando at Pedro Kinamot ulit ako ng isipan ko ukol dito. Kumalat na naman ang mga letra sa palagid at isa-isa kong pinulot ang lahat. Si Glaiza De Castronina. Mahilig siyang magsuot ng mahabang tela 'sing haba ng buhok niya dahil sa mga bago niyang gamit bigay ng maykapal. Madalas din niyang palakihin ang mata niya kahit na alam naman naming na given na ang bagay na yon. Isa din siya sa madalas kumanta ng Don't Say Goodbye habang pinupuno ang isang balde

Magulo! Nagkalat! Pupulutin mo na lang!

Imahe
Mabilis magpalit ng mukha ang isang bagay sa modernong panahon ngayon, depende sa takbo ng oras at sa lugar na ginagalawan. Matagal akong nahinto sa pag-aaral. Madaming kadahilanan ngunit kailangan tanggapin dahil iyon  ang reyalidad. Balak ko na ngang sumali sa That's my Tambay (Segment Variety show ng GMA na  Eatbulaga). Makapal ang mukha ko, maniwala man kayo o hindi buo ang loob kong sumali sa  palabas na ito. Tumakbo ang oras na hindi ko man lang namamalayan. Mas mabilis pa sa kurap ng mata. Pagdilat ng mga mata suot ang polo, pantalon at sapatos na humihingi na ng tulong mabigay lang ang  hinihingng hustisya.  Bakit ganito ang suot ko? Saan ba ako pupunta? Bakit dala ko pa ang mga dukumentong matagal ko ng itinago? Hindi huminto sa isip kung ano ang nangyayari. Walang alam sa bawat hanging dumadampi kahit  binubulong na nito ang mga detalye. Ginsing ako ng busina ng tricyle upang alalahanin kung ano, pano at bakit ako naroroon suot a