Mga Post

Pag-ibig sa Tamang Panahon

Imahe
Paano mo malalaman na siya na ang gigising sa namatay mong ugat? Siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake mo? Siya na ba ang the one? Para mahanap ang porber, kailangan mong tumaya at sumugal. Walang makakapagsabi kahit socially concerned citizen kung siya na ang makakasama hanggang sa pagputi ng buhok dahil kayong dalawa ang magkukulay sa bawat pahina ng kabanata ng love story ninyo. Dalawa, hindi isa. Dalawa, hindi tatlo. DALAWA! Natural lang  naman ang masaktan kapag nagmahal dahil kapag nagmamahal, nasasaktan at hindi ka iiyak kung hindi ka naging masaya. Tama na ang pagiging ampalaya, tama na ang inggit na nararamdaman kapag may nakikitang magka-holding hands sa kalsada, tama na ang sisihin ang sarili habang nagtatanong at  naglalaro ang isip  na "Panget ba ko? Kapalit-palit ba ako"? at tama na ang hanapin ang pag-ibig na hindi naman kayang suklian dahil ang tunay na nagmamahal,  tanggap kung ano ka, itsura, estado, amoy ng hininga kapag bagong g...

Lunch Break with Task Us PH

Imahe
Mayroon akong nalaman. Gusto kong ibahagi sa inyo at ibahagi rin natin sa iba para maging tsismis sa kanto, sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao, saan mang sulok ng mundo, makakasama niyo, magbibigay ng saya sa bawat isa at maghahatid ng kakaibang ligaya!!!! Bigyan ng Jackeyt yan! Bago matulog, nakasanayan ko ng manood ng mga videos sa Facebook, Youtube, Instagram, at kung ano-ano pang websitse o social media sites gamit ang GOSURF50 ng  Globe  valid in 3 days at may kasama pang 2 GB para sa mga videos na trip mong panoorin. Kaya saan ka na? Lipat na sa globe! Sulit ang 50 pesos mo! Haha! Gamit nga ang GOSURF50 ng Globe , may napanood akong video galing sa isang malaking BPO company sa bansa.  Isa itong short story ng iba't-ibang mukha ng mga Millenials at sumasalamin sa ibat't-ibang kwento ng pagkakaibigan sa loob ng abalang mundo ng bawat empleyado. Namangha ako. Dahil bukod sa nakasanayang trabaho, hinuhubog nila ang iba't-ibang talento ng ba...

Fake News ka ba?

Imahe
Dahil sa modernong panahon, kaakbay ang makabagong teknolohiya,  kaya nating gawing tama ang mali at kaya nating gawing mali ang tama. Kumalat ang balita. Kalat-kalat. As in kalat na makikita mo saan mang parte ng Pilipinas. Sa modernong panahon at makabagong teknolohiya, mabilis na ang pagbibigay ng impormasyon gamit ang Social Media Sites katulad ng Facebook at Twitter.  Isa ako sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya.  Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ang mga ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi kayang abutin ng powers ko. Ganito kalakas ang kapangyarihan ng mabilis na komunikasyon. Aabutin kung ano ang hindi kayang abutin at sabihin ang hindi kayang sabihin dahilan upang lumaganap ang mga FAKE NEWS na magdadala sa atin sa maling impormasyon. Maliban sa telebisyon at diyaryo maaari ka na ding makasagap ng balita sa isang pindot mo lang, kaya wala ng dahilan upang maging sa...

MMFF 2016

Imahe
Mahirap bitawan lalo na kung nakasanayan dahil hindi magtatagal hahanap-hanapin mo na ito at aasa-asang magiging permanente ang nakasanayan. #Hugot Nabigla ang lahat ng ibalita sa publiko ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016 sa darating na kapaskuhan. Nagkalat ang tsismis. Maririnig, Makikita, Maaamoy, At mararamdaman, saan man magpunta. Bagong mukha nga ba ito ng MMFF? Maaring bago dahil para sa akin nasanay tayo sa mga pelikulang pinapalabas tuwing pasko na malalaking artista ang nasa big screen At kung saan humalakhak ang marami doon itataya ang 200 pesos nila. Minsan may bakas pa itong 100 pesos para sa tsitsirya habang nasa loob ng sinehan. Noong nakaraang linggo, yinaya ko yung isa kong katrabaho manood ng sine sa pasko dahil nararamdaman ko hindi kami bibiguin ng mga ito. Ayaw daw niya dahil puro indie naman daw ang palabas. Hindi na ako sumagot. Ninamnam ko na lang kung ano ang ang sagot niya sa akin at bigla na lang akong napatanong sa sarili...

Si Nanay at Ang Social Media

Imahe
Mabilis na komunikasyon, para sa mabilis na aksyon. Active ako sa social media. Araw-araw akong naglalabas ng sama ng loob gamit ito at nakakabit na sa pang-araw-araw kong gawain ang makisalamuha sa mga taong hindi abot ng powers ko. Habang nagbabasa ako ng mga saloobin ng ilan sa Facebook, may pumukaw sa akin upang basahin ng mabuti at namnamin ang bawat detalye ng socially concerned citizen. Habang binabasa ko ito, naisipan kong  i-share para umabot kung nasaan man ang pamilya ni Nanay. Sa simpleng pag-share ay baka sakaling maibsan kahit ka onti ang nararamdaman niya. Dahil marami ang nakabasa nito at nag-share umabot sa pamilya ni Nanay ang nangyari.  Nakakamangha at nakakataba ng puso sa simpleng pagbasa at pag-share umabot ito sa pamilya ni Nanay upang ipaalam sa pamilya nito kung ano ang nangyari sa kanya. At kay Ate na nag-post nito, isa kang alamat dahil ginamit mo ang Facebook upang makatulong sa nangangailangan. Ganito kalakas a...

Biyahe ni Budoy

Imahe
Si Budoy. Sanay ng mahirapan,  masaktan  at maghitay si Budoy. Huwag tularan si Budoy. Nakatira ako sa Bulacan at sinusuyod ko ang kahabaan ng EDSA para makapasok sa trabaho. Lunes hanggang biyernes ang pasok ko sa trabaho. 9am hanggang 6pm ang oras kasabay ang mga nag-oopisina sa buong Q.C at Maynila.  Kung may hinahabol, OT ng sabado para sa ekonomiya.  Bago pumasok ito ang mga kailangan ni Budoy: 1. Pamasahe sa fx. Baka ilaglag ako sa NLEX kapag hindi ako nagbayad. 2. Beep card para sa tren. Mas maganda kung may ganito para hindi ka na pumila araw-araw. 13 pesos yata ang pinaka mababang pwedeng i-load sa beep card. 3. Para mapagtagumpayan ang number 1 at 2  kinakailangan may tibay at lakas ng loob. Kasama na rin ang magandang kalusugan dahil hindi biro ang iyong pagdadaanan. Araw-araw at paulit-ulit ng ganito ang nararanasan ko at ng mga commuters saan man sulok ng ka-maynilaan.  Nakakapagod pero k...

Killing is Killing Sabi nga Nila

Handa ka bang harapin ang pagbabagong inaasam-asam at mawala ang nakasanayan? Isa sa mga tsismis na ipapatupad ng bagong Presidente na si Mayor Duterte ay ang pagbalik ng Death Penalty o Bitay. Bilang isang socially concerned citizen, ito ang pagkamot ko kung bakit suportado ako sa pagbalik nito. Karapatang Pangtao Sabi nila lahat ay may pagkakataong magbago at kawalan raw ng karapatang pangtao ang pagpatay. Tama naman ito. Lahat ay may karapatan at pagkakataong magbago, ngunit ilan lang ba sa kanila ang tunay at kayang panindigan pagbabagong ito?  Sa bawat sampung nakakulong dahil sa matinding kasalanan, isa lang dito ang tunay na nagsisisi at sinusuka ang maling nagawa. Kung ni-rape, pinatay at tinapon sa ilog, nasaan ang karapatang pangtao? Kung hindi tao ang turing sa iba, kaya mo bang bigyan ng pagkakataon at karapatan itong magbago? Pasilidad Dahil hindi natatakot gumawa ng kasalanan ang mga kriminal, tumataas ang bilang ng krimen sa bansa na ...