Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2013

Para sa Nag-iisang Babae ng Buhay ko

Imahe
Pagmulat ng mata kasabay ang nakangiting araw laging bumubungad ang tinig mo na bumubuo sa unang pagmulat ng mata upang masabayan ang pagngiti ng araw "Gising ka na Anak?" isang tinig na magsisilbing haplos at halik ng pagmamahal. Ang tagal ko ding hinanap ang nakasanayang tinig mo. Pinipillit kong maialis sa isip ko upang hindi na hanapin. Naiintindihan ko kung bakit kailangang kalimutan pansamatala ang nakasanayan. Kailangan mong lumayo upang matustusan ang pangangailangan at mabigyan kami ng magandang kinakabukasan na pinapangarap ng kahit na sino mang mga magulang. Ang dami ng nagbago simula ng umalis ka. Hindi na ako iyakin kagaya ng dati na kailangang amuhin at haplosin upang tumigil sa pag-iyak, pangaralan sa mga bagay na lagpas sa limitasyon at tumakbo o magtago kapag may hawak ka ng kahoy o kawayan. Sabi nga ng iba "Napaka suwerte mo sa mga anak mo. Ang tagal mong nawala pero yung mga anak mo lumaki pa ding mga mabubuti". Minsan, gusto kong

Ang Pag-irap ng Tren

Imahe
Kailangang ilabas ang muscle para maabot ang inaasam-asam na tagumpay. -Ang pagsakay ng MRT. Kanina, pauwi ako galing sa konting Boni at medyo Mandaluyong sumakay ako ng MRT. Alam kong kailangan kong maglabas ng muscle para makasakay kahit konti lang pero kanina hindi ko akalaing may mas mahirap pa pala sa iniisip ko at naranasan ko sa bawat kembot ko kung saan. 1. Maliban sa maraming sumasakay ay mas madami pang sumakay. 2. Siksikan habang tumutulo ang pawis abot singit. 3. Nakasubsob sa kilikili ng katabi dahil natabunan na ko ng tao. Hindi makagalaw at hindi makapagsayaw ng Gimme Gimme. 4. Iniisip ang kilikili baka sumabog ang amoy sa mga katabi dahil kahit ako sukang-suka sa amoy nito. (Pwede na din siguro para medyo lumuwang kahit 1/4 lang) 5. mahaba ang pila sa ticket booth. Nasa Shaw ako pero ang pila abo Taft Ave. buti sa Guadalupe lang ang pila ko. Kahit na mas malaki ang muscle ng iba at pagsubok ang pagsakay  mga tatlong sako, nagpapasalamat pa din

Malawak na Pag-iisip Lahat ng Bagay Kayang Bigyan ng Kahulugan! Part 2

Ang pamahiin ay isang paniniwala na walang batayan at hindi pa napapatunayan. Kagaya ng una kong naisulat nababalutan din ito ng paniniwala na walang batayan ngunit patuloy pa ding gumagalaw kasabay ang hanging dumadampi sa mga balat. Halos isang linggo akong nasa bahay, hindi kumikilos dahil sa nararamdaman. Pabalik-balik ang init ng katawan at patakbo-takbo sa banyo para sumuka.  Isang banig ng gamot at sampung araw na pahinga. (Yung iba over-time)  Dahil sa sakit na ito, naglipana ulit ang mga bulong-bulungan ng mga socially concerned citizens. 1. Kakainom yan! - Sabi sa akin ng kaibigan kong mahilig takpan ang mukha ng iba't-ibang panapal. - Siguro dahil sa pag-inom nga kung bakit ako nagkasakit, sunod-sunod kasi ang mga yaya doon at yaya dito pagkatapos ng birthday ko. 2. Kakapuyat yan! - Sabi naman sa akin ng Tatay ko. - Hindi naman ako nagpupuyat. Nasanay lang akong matulog kapag ngingiti na ang araw at titilaok na ang mga manok. 3. Bak

Happy Birthday Budoy

Imahe
Mabilis ang panahon, depende sa nakikita, naririnig, naaamoy at nararamdaman. Dahil sa mabilis na panahon, hindi ko inakalang 19 years na pala akong nakikipag-bunong braso sa panahon kasabay ang iba't-ibang klima ng bawat araw. Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa Facebook kahit na naka-hide ang birthday ko,  naalala niyo pa din akong batiin. Maraming salamat po mga isang sako. Sa mga nagsolicit ako para batiin lang ako, maraming salamat po mga isang sako. "Sagot mo cake sa birthday ko hah?"  pagkasabi ko kay Chang habang papikit-pikit ang mata. Hindi naman ako nabigo sa hiling ko. Kahit sa picture lang natupad niya pa din ang kahilingan ko. Sobrang na-touch ako. Maraming salamat mga isa't kalahating sako. (Yung kalahati para sa picture.) "Sagot mo Carbonara sa birthday ko hah?" pagkasabi ko kay Ai-Ai. Hindi rin ako nabigo sa hiling ko sa kanya dahil kagaya kay Chang sa picture din binigay ni Ai-Ai ang hiling ko.

Para Kay Leo Lopez

Imahe
Si Ku Le. Mahaba ang buhok na may konting kulot. Mala-porselanang balat. Dalagang Pilipina. Look alike ni Eva Fonda. At Maganda. Oo, maganda. Maganda nga. Maganda part 2. Hindi ko alam kung paano at kung ano ang isusulat ko. Piniga ko. Piniga ko ulit. Pinigang-piniga hanggang may pumatak. At ito ang patak..... Ang paghikab ng walang emusyon.  Pangalawang pagnga-nga: Medyo pagnguso at konting pagnga-nga. Pangatlong pagnga-nga: Ang tawag daw sa ganitong ngiti ay EBbabe smile. Sa kanila ko lang nalaman na may iba't-ibang klase ng ngiti kagaya nito. Kaya naman kung ikaw ay sobrang saya kina-kailangan ganito ang pagngiti mo. Maliban sa paghikab, medyo ngumuso konting pagnga-nga at mag-EBbabe smile sa litrato mahilig din siyang magpakuha ng litrato habang nagangamot ng likod. Ang ganda. Ang gandang christmas tree. Dahil wala akong masabi sa litratong ito.  Nagtanong ako sa iba kung ano ang masasabi nila dito. 

Kamukha ni Sir?

Imahe
Matunong ang kantang ito. kalat ang opinyon ukol sa movie na 'to. Kaya naman nagkaroon ng laman ang isipan upang gumawa ng bagay na hindi mo akalaing magagawa o maiisip sa isang pitik bulag mo lamang.   Hango ang kantang ito sa movie ng "Despicable me" - na ngayon ay may Part II at kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan. Dahil sa kalat at matunog ang "Despicable me" nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga socially concerned citizens ukol dito. Sino ang kamukha nito? Tao ba 'to? Bagay? Lugar? Parte ng katawan ng tao? Sino? Ano? Paano? Bakit? Hindi naman gaanong kamukha. Mga 1/2 lang ang nakuha nito. Bago ko sabihin kung sino ang kamukha nito.  Maaring niyo ba akong pagdasal na payapa pa din akong makapaglakad sa labas at magbiyahe na walang kahit na ano mang masamang mangyayari sa akin. Mapapangako niyo po bang pagdadasal niyo yon? Susuportahan niyo pa din po ba ako kahit na anong man

Finay! Finoy! Filipinas!

Fa Fe Fi Fo Fu....... Sabi nila kung ikaw ay sosyal o may muscle sa buhay, ma-"F" ka.  Halimbawa: - Nakakaasar ka. Your so G-R-R-R! Where ka ba Fumunta? Mayroon namang english na ininglish pa ulit. - Friend, Oh my God! She's Foor. Huwag mo siyang kausapin. Let's go na! Mayroon ding ipilit mo baby. - Sabi ni Teacher may Farenthesis daw dyan para daw madaling ma-compute. Wala namang masama kung ma-"F" ka, masarap ngang paringgan sa taenga parang sosyal na sosyal at bihasang-bihasa sa wikang ingles. Sa mga nakaraang araw madaming usap-usapan tungkol sa "F" at nagdedebate ang karamihan dahil dito. Ano nga bang mayroon 'tong "F" na ito kung bakit palipad-lipad ito ngayon? Dahil sa ni-labas na balita ng  Komisyon sa Wikang Filipino  o pagpasiya, nagkaroon ng usap-usapan ang bawat Pilipino. (i-click lamang ang Komisyon sa Wikang Filipino upang mas maunawaan) Pabor ako sa pagpasiyang "Filipinas&

Uso ka nga ba o uso ka?

Imahe
Habang may malikot na imahinasyon, hindi mawawala ang pabago-bagong gimik o uso na pilit ikinakalat sa merkado o makikita na lamang sa sahig at pupulutin na lamang upang makisabay sa agos ng modernong panahon. Ma-impluwensya ang bawat nakikita at naririnig. Hindi mo maiiwasang hindi makisabay sa modernong panahon.  Habang naka-istambay ako sa tindahan malapit sa amin, may pumukaw sa aking mata. Isang babaeng pa-lakad papuntang tindahan na may dalang Ipad. Oo, Ipad yung touch screen na usong-uso ngayon. (Tumatanggap po ako ng pinaglumaang Ipad.)  Pindot siya. Pindot ulit. Pindot ng pindot hanggang makarating sa tindahan kung saan ako naka-istambay. Dahil tsismoso ako tiningnan ko kung anong mayroon sa Ipad niya kung bakit bitbit pa niya ito hanggang sa tindahan.  Naglalaro pala ng Candy Crush. Hindi maiwanan dahil sa Candy Crush. Nakalimutang magsuklay dahil sa Candy Crush.  Ang daming naa-adik sa larong ito. Bukod kasi sa makukulay na detalye ng laro, nagkakaroon din n

Charice Pempengco sa Pangangalaga ni Don Tiburcio Par II

Imahe
Pagdating ng Panahon na ba ni Aiza Seguerra ang susunod mong kakantahin? Ito ang una kong katanungan sa una kong blog ukol sa haka-hakang nakabuntot kay Charice sa panahong iyon. Gumamit ako ng katanungan bilang Introductory Device at gumamit muli ako ng katanungan sa conlcuding device. Upang sa susunod kong blog ukol kay Charice ay masasagot ko lahat ng katanungang ipinatong ko sa aking sinulat. Cahrice Pempengco sa Pangangalaga ni Don Tiburcio Part I  - Ito ang una kong blog para kay Charice noong haka-haka pa lamang ang kanyang sekswalidad. Basahin mo na. Please. Pagbinasa mo ito ay su-swertihin ka sa pag-ibig. "Pagdating ng Panahon na ba ni Aiza Seguerra ang susunod mong kakantahin?" - Pagmulat pa lang ng mga mata'y pangalan at mukha na ni Charice ang nakita. Ginamitan na niya ng muscle upang masagot ang lahat ng haka-haka ng sambayanang Pilipino ukol sa sekswalidad niya. "Tatay nga ba niya si Don Tiburcio?" - Hindi naman siguro Tatay. Tropa-trop

Unang Tinta

Imahe
Unang tinta sa daliri patunay na ikaw ay naki-isa. Unang beses kong pumili at bumoto. Dahil unang beses ko nga ito, madami akong tanong na onti-onting nagbibigyan kasagutan dahilan lamang upang maka-pili ako ng nais kong iboto. Una, palakasan ng boses ang bawat kandidato. Ikakalat ang pangalan sa buong bansa upang maiwan ito sa isip at magbigay paraan upang maisulat sa balota ang kanilang pangalan. Pangalawa, gamitan ng iba't-ibang sangay ng pamilya upang mabitbit sila sa inaasam-asam na tagumpay. "Nanay, Tatay gusto kong tinapay. Ate, Kuya gusto kong kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. 1, 2, 3....." Pangatlo, mas madaming botanteng mas pinaniniwalaan base sa kapasidad ng nakikita at naririnig. Sabay sa daloy ng mundo. "Uso ito, bibili ako nito" " Gusto ko ng NEVER GIVE UP na t-shirt". Pang-apat, nagbibingi-bingihan sa kembot ng kandidato. Mas pinaniniwalaan ang patalastastas kaysa sa bigkas ng plataporma. Pang-lima, nag

Ma-Emong Bati Para sa Tanging Ina Nating Lahat

Imahe
Ang bawat letrang binibigkas mo ay nagbibigay kulay upang humakbang kami na na-aayon sa galaw ng reyalidad na nagbabalanse sa ikot ng mundo kasabay ang pabago-bagong mukha. Ang bawat galaw o kilos mo kasama ang pagkapit ng iyong kamay sa amin ay nagsisilbing kaisipan upang masagot ang katanungang kapiling sa pang araw-araw na gawain upang kumilos ng nararapat sa mundong puno ng iba't-ibang isla. Ano nga ba ang Mother's Day? Isang araw na kung saan ay binibigyang pahalaga o pasasalamat ang isang magulang o Nanay. Sa iba't-ibang pamamaraan. Depende kung paano ang atake sa pagbati. Basta't mapasalamatan at mabigyan ng simpleng ngiti ang magulang na hindi maaring tapatan ng kahit na anong matiryal na bagay. Ngiting aabot sa taenga at magsisilbing simbolo ng tuwa at pagmamahal. Nanay, Ina, Inang Mother, Mama, Mommy, Mhie, Mah, Mamita, Mother- madaming tawag ngunit iisa lang ang chicks ng buhay. May iba't-ibang babae mang makilala o makasama, hindi mapapalitan ang

Tunay nga bang Natutulog ang Diyos?

Dumilat ang aking mga mata. Lahat ng kulay sa paligid ay maputla tanganing liwanag  ng araw sa bintana ang nagbigay liwanag sa aking pagmulat. Sa bawat araw na duma-daan hindi ko maiwasang pag-aralan ang bawat kilos ng aking katawan. Hakbang sa kanan, kailangang lumawak ang pag-iisip upang maiintindihan ang bawat nangyayari. Absorb sa nakikita at naririnig upang maging instumento sa susunod na bukas. Hakbang sa kaliwa, unawain ang bawat parte ng bahay. Kailangang tibayin ang bawat paghakbang. Bawal kumawala. Pagbibigkis-bigkis ang kailangan upang baguhin ang dating umaga. Hindi ko alam kung batok, sampal o tadyak ang kinahaharap namin ngayon. Sa bawat patak ng luha ay may kahulugan. Walang sayang na luha na dumadaloy patungo sa ilog ng alaala. Sa murang edad sumasabak sa tunay na reyalidad, gasgas ang puso at isip at naka-ngiting mukha ngunit napapalooban ng kalungkutang sumisigaw na konsensya. Gusto kong sumabay sa agos ng buhay ngunit pinipigilan ako ng bara sa isip upang kumil

Si Janine Togonon, Si Janine na Sikat at Si Janine na Maganda

Imahe
Ang ganda mo. Feel na feel ang long hair mo.... Kumalat ang balita. Kalat -kalat. As in kalat na makikita mo kahit saang parte ng Pilipinas. Tatlong beses yinanig ni Janine Togonon  ang bansa, dahil dito huminto ang oras ng mga tao upang pag-usapan ito. Tsismis sa parlor, Tsismis sa palengke, at tsisimis ng kapit bahay namin na nagsanhi ng pagyanig ng bansa. Unang pagyanig  - Lahat ng tao ay tutok sa kanilang mga telebisyon upang mapanood ang laban ni Janine sa Miss Universe noong nakaraang taon. Walang traffic, walang krimen at walang socially concerned citizen ang naka-istambay sa kanto. Pina-tigil niya ang oras ng sambayang Pilipino dahil dito. Pangalawang pagyanig - Nang matapos na ang kompetisyon na sinalihan nito. Nagkaroon na ng pagkakataon upang ma-interview si Janine na may dalang dalawang sakong kwento. Ininterview na nga ito. Pagkatapos niyang ma-interview ay binigyan naman ng pagkakataon ang kanyang boyfriend upang makilala ng sambayanang Pilipino. Paglabas

Nese Eye ne Eng Lehet na Ayaw Paawat

Imahe
Nese Eye ne eng lehet menemehel keteng 'pegket. Nese eye ne eng lehet pete eng pese ke...... Sa araw-araw na pagbomba ng mga usok ng sasakyan sa kalsada, pakikipag-talastasan ng mga nagbebenta sa palengke, at mga tambay sa kanto tuwing gabi- hindi mawawala sa tugtugin ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung kanta na pinapatugtog sa radyo, walo dito ay iba't-ibang kanta sa iba't-ibang singer ngunit dalawa dito ang walang kamatay-matayang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla. Sa bawat sampung taong may sariling cellphone, siyam dito ang may Music o mp3 sa cp at tatlo sa kanila ang may Nasa Iyo na Ang Lahat ni Daniel Padilla. Hindi kataka-taka kung ang buong sambayanang Pilipino ay maging national anthem itong kantang 'to. Bukod sa lagi itong naririnig, lagi din itong katabi ng mga kabataan sa pagtulog. Nagdudulot tuloy ito ng pagka-LSS ng mga tao. Ang Nasa Iyo na Ang Lahat ni Mr. Daniel Padilla ay isa sa mga kantang pinang-laban

Kris Aquino at ang Kanyang Mahabang Buhok

Imahe
Hindi na kayang kumembot ni Kris. Laman ng balita sa iba't-ibang stasyon. Laman ng Social Media. Laman ng kwento ng socially concerned citizen. Laman ng ulam namin ngayon. Laman ng ref. namin. Laman ng bag ng katabi ko. Laman ng ilong ko. Lahat ng laman naka-singit ang pangalang Kris Aquino. Dahil sa sobrang haba ng buhok nito abot sa kapit-bahay ninyo kumalat ang balitang MAGANDA daw si Kris. Kumalat sa isang iglap. Inakit daw ito ng dati niyang asawa na si James Yap. Dahil sa maganda nga ito hindi ito pumayag hanggang sa sinabihan daw siya ng masasakit na salita at dinuro-duro pa. Ginawa daw ito ni James sa hararp ng kanilang anak na si Bimby. Pagkwento ni Kris sa isang interview niya. -Buti nga inakit ka pa hindi ka pa nagpasalamat! Sa tanda mong yan inakit ka pa? Dahil sa pag-akit na sumabog sa buong Pilipinas, lumawak ang alitan ng dalawa hanggang dumating sa demandahan. - Bakit ngayon ka pa nag-file ng reklamo kung matagal na 'tong nangyari? Sa dami

Para Kay Krizelda

Imahe
Si Krizelda ang kaklase ko noong highschool pa ako. Mahilig siya sa mga k-pop na ang tanging alam lamang ay magpacute at ibida ang iba't-ibang kulay nilang damit. Binigyan niya ako ng lakas ng loob para bigyan ang sarili ko ng ka-onting paghanga kahit na alam ko inu-uto lang niya ako para gawin ang kembot niya. Una, istorya o kwento ang gusto niyang igawa ko para sa kanya. Dahil may bayad ito nanginig ako sa paggawa at nagmamadaling itapos ito, pero nabigo ako. Wala akong maisulat kundi ang ulam namin sa mga oras na yon. Nawalan na yata siya ng pag-asang matapos ko pa iyon kaya't tula na lang ang pinagawa niya sa akin. Ginawa ko ito ng walang kurap at halos 20- minutio lamang. Hindi ko alam kung may kurot ang gawa ko basta ang tanging alam ko lang ay ginawa ko ito ng walang kurap na may kahalong kembot. . . . Sa bawat araw na dumadaan kasabay ang hanging sumisipol Sa pagpikit ng mga mata'y pag-iisip buhol-buhol Mukha'y nakikita sumasayaw kasabay ng isi

Charice Pempengco sa pangangalaga ni Don Tiburcio

Imahe
Pagdating ng Panahon na ba ni Aiza Seguerra ang susunod mong kakantahin? Habang nililibot ko pabalik-balik ang Facebook kung ano ang bagong balitang nandodoon, hindi naman ako nabigo.  May bago ngang balita ang pumukaw sa aking mga mata. Binuksan ko ang litratong ito. Tinitigan ko. Caption: Bagong look daw ni Charice? Tinitigan ko ulit baka joke lang. Medyo naniwala na ako. Mga 1/2 lang. Sinong hindi mag-aakalang Tatay niya si Don Tiburcio base sa litratong ito? Matagal ng bali-balita ang kasarian ni Charice kung taliwas sa balita o hindi. Kasabay kasi ng movie niya ng Here Comes The Boom ang boom ng bagong imahe niya ng dumating siya sa Pilipinas noon. Naaalala ko pa ng interviewhin siya ng isang socially concerned citizen pagkatapak niya ng Pilipinas.  Nagtanong ang socially concerned citizen. Sinagot naman ito ni Charice. Parang sinasabi niyang wala siyang pakeelam kung ano ang opinyon ng mga tao sa bago niyang imahe. Basta'y masaya s

Willie Nag-fliptop Kay Ethel at Ate Gay

Imahe
I'm the producer of this show! Ako ang nagpapasahod sa inyo" - Willie We're talking about talent, not singit! - Ethel Ang pagkakamali ay hindi maita-tama kung ang paraan mo ng pagtuwid nito ay sa maling pamamaraan at pag-unawa upang mai-angat ang sarili sa bawat sitwasyong napapalooban ng pagkakamaling ito. Sakto, paglipat ko ng t.v sa ibang istasyon,bumungad sa akin ang isang lalaking binibitbit ang sariling bangko at pilit na pinapahangin para matumba ang mga bagay na walang sapat na bigat para manatili itong nakatayo. Sa bawat salitang binibitawan niya sa programa niyang WowoWillie sa mga oras na yon, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para isa-publiko ang mga alitan o hindi pagkakaintindihan kagaya ng kontobersya na dinadala niya ngayon. Panoorin ang video at ano ang kumento mo ukol dito? Pag-uusap ang isang paraan upang ang maliit na bagay ay hindi na lumaki at pilit na binututas hanggang hindi na maibalik sa dati.

Himig Handog P-Pop Love Songs (abs-cbn)

Imahe
Ang Himig Handog P-Pop Love Songs ay isang kompetisyon na kung saan ay magtatagisan ng galing ang 12 piling mga composers sa pagsulat ng kanta. Binigyang buhay ito ng iba't-ibang sikat na mang-aawit ng bansa. Sa Film Making naman ay nagpakita ng galing ang iba't-ibang estudyante sa bawat iba't-ibang ekwelahan o unibesrsidad sa paggawa ng music video na swak sa kanta at pang-lasa ng mga Pilipino. 12 ang naglaban-laban upang masungkit ang titulong P-Pop Love Song of the Year. Itong ang mga sumusunod: 1. Alaala Composers: Ma. Fe Machenette G. Tianga, Melvin Huevana, Joel Jabat Jr. Interpreted by: Yeng Constantino 2.  Anong Nangyari Sa ATing Dalawa Composer: Jovinor Tan Interpreted by: Aiza Seguerra 3.  Hanggang Wakas Composers: Soc Villanueva Interpreted by: Juris Villanueva-Lim 4.  If You Ever Change Your Mind Composer: Marion Aunor Interpreted by: Marion Aunor 5.  Kahit Na Composer: Julius James De Belen Interpreted by: Toni Gonzaga 6.  Nasa Iyo

Kampanyahan 2013

Imahe
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan, pagpapaPOGI, pagpapaGANDA, pagpapaPANSIN, at pagpapakita ng muscle upang mabitbit ang sambayanang Pilipino sa binubulag na mundo. Sa panahong  ito ay maraming mga sakit ang lipana sa mundo, lalo na kung sasapit ang araw na kailangan kumanta ng Boom Tarat-Tarat habang may namimigay ng pera, cd, gift certificate, candy at kung ano-ano pang pwede maibigay basta't sumaya ka lang at mabitbit sa binubulag na mundo. Utang na loob attack- ito ay isang sakit na kalimitang nakikita sa mga kanto ng lugar niyo. Bibigyan ka nila ng tulong o ipapagamot ka nila basta't isulat mo lang ang pangalan ng musclemang ito sa kaprasong papel at ilagay sa balot box. Kagaya sa komersyal ngayon ng isang politiko na may batang binibida ang isang politiko ukol sa naiambag nito o naitulong. Sakit na may kalabit penge- isang sakit ng mamamayang Pilipino na kung saan ay nababalutan ng kakaibang enerhiya upang dalhin ka sa binubulag na mundo. Medyo kapareha

Leibster Award na Ayaw sa Eleven

Ang Leibster Award ay ibinibigay daw sa mga bloggers na may kulang sa 200 followers para ma-realize na malungkot ang buhay nila.- Kuya Le Tinag ako ni Kuya Le sa Facebook. Binuksan ko yung konting link. Binasa ko. Dawalang beses. Sponge Reader kasi ako. Natuwa ako. May pumapansin pala sa akin. Dahil inggitero ako gagawin ko 'to with feelings. The Rule: Share 11 facts about yourself. Answer the 11 awarder's question. Ask 11 question of your own. Nominate 11 bloggers. (Bakit eleven? Pwede bang five na lang?) Eleven Facts: 1. Ako po si Don Gerard Budoy. Kapag tinatawag ako ng Prof ko o kahit sino mang nilalang na nakakakilala sa akin sa eskwelahan lagi akong tinatawanan. Yung tawa nila na medyo may question mark na nakapatong sa noo. BUDOY kasi ang tawag sa akin sa eswelahan.Ayaw pa nilang maniwala na ayon ang apelyido ko. Kailangan ko pang ipakita ang i.d ko para maniwalang AKO BUDOY. Alam ko namang kamukha ko si Gerald Anderson wag niyo namang ipagkalat.

Love Moves na May Halong Kembot

Nung ginagawa ko itong pangalawang kwento ko sa Sampung Iba't-ibang Kwento na Gigising sa Namatay Mong Ugat. Wala sa isip ko na ganito maging tema. Ewan ko ba. Parang gusto ko kasi ng mala-indie yung dating ng kwento. Tapos ayon. Sana magaustuhan niyo kahit na hindi kaaya-aya ang isinulat ko. http://www.wattpad.com/user/dongerardbudoy Dalin mo ako sa iyong palasyo. Maglakad tayo sa hardin ng KahariBOOOOGAN…… Ganito isinalaysay ni Pareng Ricky Lee ang alamat ng Bakla sa libro niyang Amapola: Noong unang panahon o maski na ilang panahon pa iyon, wala pang lalaki. Wala pang babae. Wala pa maski na ano. Pero me isang dilaw na ibong lipad ng lipad. Itong ibon, lipad nang lipad pero bored na bored na talaga. Me nakitang kawayan tinuka niya, lumabas ang pagkaganda-ganda at pagkaseksi-seksing bakla! Nakagown pa! Pink na pink! Winner talga! Pero hindi pa bakla ang tawag sa kanya noon. Tinuka pa nung bird yung isang kawayan at ang lumabas naman ay isang lalaki. Naka brief n