Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2012

Christmas With Medyo Masayang Luha

Magandang panahon, malamig na hangin na dumadampi sa mga balat at kumakantang mga bituin na sumasabay sa kantang pamasko ng mga bata. Nagsimula ang araw ko na may ngiti sa mga labi Ngiti na makakapagbigay ng lakas at saya. Ngiting humahakbang para maabot ang dating panaginip at ngayon ay sumasabay sa agos ng buhay. Bakit nga ba may ngiti ang aking pasko ngayon? Sa tagal-tagal na hinihintay at tanging nasa pangarap ko o nasaisip, hindi inaasahang mga pangyayari. Dumating ang Nanay ko at may dala isang sakong kwenyo. Nanay ko na ang tagal kong hindi nakita dahil nakikisalamuha sa ibang bayan upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Hindi ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko. Naluha ako ng may ngiti sa mga labi. Magandang regalo para sa pasko. Hindi material na bagay ngunit nakakapagbigay ng saya sa bawat isa. Medyo masayang luha dahil inaabsorb ko pa lang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Parang may after shock sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na uuwi ang Nana

Ang Buhay Pag-ibig at Ang Malamig na Pasko

Imahe
Dinalaw ako ng isang musikang makakabuhay nang namatay kong ugat. Na makakapagbigay ng matamis na ngiti at makahulugang mata . Na magbibigay ng ngiti sa aking mga labi at kukulay sa mga bagay na kumupas na. Hindi ko inaasahang sasabay sa tugtog ng musika ang kaloob-looban ko. Bigla na lang akong napadilat at napatulala na pawang nagulat sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko mawari kung anong pakiramdam ang mayroon ako sa mga oras na yon. Basta ang tanging alam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. --- Budoy na Budoy ang dating. Pano ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Humingi ako ng tulong sa mga socially concerned citizens para ibahagi ang kanilang sa loobin ukol sa aking katanungan: Interview kunwari..... Si Aguinaldo ay subok sa ganitong sitwasyon. Lagi syang nakakapuno ng isang baldeng luha kapag dumadating ang puntong kakanta na sya ng Dont Say Goodbye. Ako: Pano mo nasabing mahal mo na ang isang tao? Aguinaldo: Kapag nararamdaman ka ng sakanyang iba. Kakaib

Boksing, Kongreso o Manny Many Prices?

Maluwag na kalsada. Lahat nakatutok sa telebisyon. Inuman habang nanonood ng laban. Kahit hindi nauwi ang karangan, madami ka ng napatunayan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa palakasan ng muscle ni Pacquiao at Marquez. Kahit hindi niya nabitbit ang karangalan na inaasam-asam natin ay saludo pa din ako sakanya dahil madami na syang napatunayan, hindi na nya kailangang patunayan ito paulit-ulit dahil umuusad ang panahon na naaayon sa lakas at kondisyon niya. Hindi ko na din tinapos panoorin ang laban nila. Mas naexcite kasi ako sa mga post ng mamayang Pilipino sa ibat'-ibang social site na hindi mo pa tapos panoorin binabalita na nila sa buong mundo. Nakakabigo lang dahil alam mo na panonoorin mo pa. Makikibalita ka na lang sakanila dahil hindi mo pa alam. Sabi ng kainuman ng Tatay ko. "Si Marquez nasa kondisyon si Pacquiao hindi!" (Kwento nya habang paigtaigtad ang ulo sa kalasingan) Sabi ng kaibigan ko. "Dinaya yan! Halatang-halata nama

Alamat ni Juanita

Si Juanita. Si Juanita na maganda. Si Juanita na makinis ang kasingit-singitan. Si Juanita na mapagmahal. Si Juanita na mabait na bukas 24 oras sa lahat. Si Juanita ulit. Mahilig siyang gumala sa gabi upang mag-alok ng lahat na pwedeng alukin para sa pamilya. Uuwi na lang siya na may dalang supot ng pagkain at gamot para sa nanay, tatay kapatid at kapit-bahay na may sakit. Ganito ang eksena.... Nay, nandito na po ako. May dala po akong pagkain at gamot. Nay, Nay, Nay! Nay! Bakit hindi kayo sumasagot? Nay? Bakit niyo ko iniwan? (Sinampal ni Juanita ang Nanay baka sakaling sumagot. Mga sampung sampal) Nakakumot ang Nanay. Tinanggal nya ang kumot nito. Nagulat si Juanita. Hindi pala niya Nanay ang nakahiga kung hindi ang kapit-bahay nila. Tumayo na lang siya na parang walang nangyari at hinanda ang dalang pagkain. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nagbabago ang kanyang gawain. Gala sa gabi, alok-alok ng lahat ng pwedeng alukin at mag-uwi ng pagkain. Minsan, naisip na niya na

AMALAYER Bitch

Imahe
Nasaniban ako ni Miriam Defensor Santiago. Tinatakot kita! Matakot ka! Matakot ka!  WAAAAAh! May trending balita. Sa twitter, facebook, blogs at telebisyon. Isang babaeng may malaking muscle na kayang lagyan ng gripo sa tagiliran lahat ng taong madadaanan. Kaya nya din magfliptop habang nakabending. Siya ay si AMALAYER. Hindi ko alam kung bakit siya trending sa lahat ng social site. Dahil masyado akong nacurious kung bakit, nagtanong-tanong ako at nagsearch kung sino ba talaga sya. Pinanood ko ang video. Napangiti ako at hiyaw na parang si Mega sa palatastas ng isang produkto. Pinanood ko na nga...... Kahit anong sabihin natin mali lahat ng kanto ng pangyayari. Mali dahil matanda ang kausap kailangan ng paggalang at respeto, mali dahil pwedeng kausapin ng mahinahon ang kausap. Sakanya na nanggaling na may pinag-aralan sya, mali dahil kung sumusunod tayo sa panuntunan ng isang bagay hindi mangyayari ang mga ganyang bagay, at mali dahil kahit na anong sabihin ng isang tao kung tu

MMK Konti o Philippine Ghost Story?

Hindi mo hawak lahat ng nangyayari sayo at sa paligid, kailangan lang isipin na hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi mo kayang lagpasan at irapan na lang ito kapag nakabangon na. Minsan, maka-Diyos ako. Dasal-dasal konti at medyo simba-simba. Pero sa lahat na nagyayari sa buhay ko hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Parang Atheist pag-emo o maka-Diyos na dasal-dasal at simba-simba.  Nagpapasalamat na lang ako dahil binatukan ako ng isang tao at paunawain kung ano ang dapat paniwalaan at dapat na pananaw sa buhay. Isang buwan na ang tumakbo, nakapag-move on na ko sa lahat ng pasakit at hirap na pinagtagumpayan ko. Hindi ko din naman inaasahan na mahihiwa ako at humiga na halos isang buwan sa kama dahil hindi makapaglakad. Dito ko naranasan ang lahat at makilala ang patuloy na kikilalanin. Hindi na ko pilantod kagaya ng dati na kailangan ng tungkod para makapaglakad, hindi ko na kailangan uminom ng gamot araw-araw, hindi ko na kailangang umiyak habang nakahig

Walang Hanggan ni Coco at Julia isama na natin si Richard at Dawn

Imahe
Sampalan, sabunutan, suntukan, sigawan, barilan, tapos iiyak sabay DNA na. -Kahit alam kong mali. Kahit pwedeng masunog ang kaluluwa ko sa impyerno, gagawin ko pa din alang-alang sa pamiilya ko. -Wag ka sanang panghinaan ng loob dahil patuloy kong ipaglalaban ang mga pangarap natin. -Nakipag sabwatan siya kay Miguel para hindi matuloy ang kasal natin Emily. Nalulungkot ako dahil ganun ang nanay ko Emily. Dahil sa mga linyang binbitawan ng mga artista sa isang teleserya, malakas ang hatak at naiimpluwensyahan ang mga manonood. Kagaya ng Walang Hanggan nila Coco at Julia / Richard at Dawn na madaming followers at mataas ang ratings. Kasama na kapitbahay namin dyan na halos laman ng tsismis nila ang teleserye araw-araw. Bakit nga ba Walang Hanggan ang Title ng teleseryeng ito? Dahil sa walang hanngan din ang sampalan, suntukan, iyakan at walang hanngan din ang buhay ng kotrabida tapos may ampon tapos DNA na. Nagtanong-tanong ako sa mga socially concerned citi

Ang Magulong Pag-iisip ni Budoy

Meron akong ano! meron akong kwento! Meron akong ano! meron akong kwento! Meron akong ano! meron akong kwentol Ah wala,wala,wala,wala,wala,wala. Meron nga akong kwento. Madaming kwento. Mga sampong sako ng kwento. Dahil sa sobrang dami ng gamot na dumadaloy ngayon sa aking katawan kung ano-ano na ang naiisip ko't naiimagine. Ang pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT, gustong patalsikin si Sen. Enrile, pagpirma ng COC ng gustong tumakbo o kandidato, paglaganap ng kasaysayan ni Juana Change, bakit tomboy si Tina ayon sa libro ni Pareng Eros at bakit malungkot si Anabelle na best friend ng kapitbahay namin na pinsan si Cornello na nagbebenta sa palengke at nanay ni Anastasia.                                                                    - - - - - - - - Bakit kaya Portoguese si Magellan? Bakit sabi ng iba Espanyol daw ito. Ayon sa aking pagkakaalam. Lakwatsero si Magellan. Makati ang paa. Mahilig gumala. Dahil sa paggala nya, napatunayan nya na bilog ang mundo gamit a

BUDOYOLOGY

Imahe
Sa bawat tilaok ng manok sa bawat araw na binibigay ng Diyos na kahit problema pa ang binabato at sinasalo natin nakukuha pa rin natin ngumiti na pawang walang iniisip at humihinto ang oras upang ngumiti at humalakhak habang napupunit ang mga labi. Naranasan mo na bang lumangoy sa dagat ng basura? Ako hindi pa. Si Villar OO! Kahit na alam natin na joke lamang iyon at takteka nya sakanyang pangangampanya. Walang basagan ng trip. Pero hindi yan ang nais kong ikwento. Bigla lang pumasok sa isip ko ang bagay na yan. Madaming nangyari. May mga taong urong sulong sa pagpasya at may taong gustong hinahabol ngunit nakakapagod. Dahil dito kaonti lamang kaming nagsaya at lumabas para mabawasan ang mga iniisip, marelax at ngumiti kahit saglit kasama ang mga taong nakatatak na sa puso at isip natin. Libre ang paglabas na ito. May isang taong mataba ang puso at pangangatawan ang nagbigay ng ganitong pagkakataon sa amin upang magpasaya. Itago natin sya sa pangalang Piolo Pascual. Pagbigya

SIRENA ni Gloc-9

Imahe
Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Hindi ako fan ni Gloc-9. Hindi ako mahilig sa mga rap na kanta ngunit nang narinig ko itong trending na bago nyang kanta, wala akong masabi kung hindi IBANG-IBA SA MA IBANG KANTA. Hindi ko sinasadyang maparingan ang kantang ito. Pinatugtog lamang ng batang hindi mo aakalain na maiintindihan ang kantang ito sa youtube . Pinarinig nya sa akin. Pinaringgan ko naman. Sinabi din nya na, "ang ganda nitong kanta na to. Pero bakit sirena? " Madami syang sinabi mga sampong sako. Hindi ko na matandaan kung ano ang mga laman nito. Hindi ko sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit sirena ang hinahalimbawa nila sa Third Sex na kontrobersyal ngayon. di na ko magugulat kung maging Pinoy Legend ka Gloc 9. *slow clap* Good job! Madamdamin at malaman ang lyrics nito. KUDOS!!! legend!! IDOL watta message,, so amazing its all about

Shitmalu! I Love You Mading-madami.

Imahe
Naniniwala ka ba sa love at first sight? Tumutulo ang laway ko, bumibilis ang tibok ng puso ko (Tulungan nyo ko! dalin nyo ko sa hospital- ganito ka O.A at parang naiihi ang aking pakiramdam kapag nakikita kita kahit hindi sa personal at kahit sa picture lang busolve na ko. Hindi ito pantasya o kahit na ano mang masasamang iniisip ng iba. Isa lamang itong paghanga, crush o pwede din love agad-agad.  Gusto na sana kitang ligawan kaso madaming balakid. Gusto ko ng pribadong buhay. Gusto ko ng simpleng pamumuhay. Gusto ko yung babagay sa itsura ko. Pero gusto kita pero mataas ang batayan ko ng mamapangasawa. Mapili ako, choosie` ganyan. Siguro kapag nakita na kita ng tunay. Maninigas ako. Ako yung maninigas. Yung literal na maninigas. YUng tipong maninigas at mapapahiga na parang baliw na gustong magwala. Ang lakas mo kasi, umabot sa akin yung superpowers mo kahit na may shield na ko tumagos pa din hanggang puso. Pinapangarap kita sana pangarapin mo din ako!!!

Kayang-kaya ko to! Tiwala lang!

Problema- ito ang sususbok sa katatagan nang isang tao at magsisilbing insipirayon at motivation upang mga solusyunan ito. Madaldal akong tao. Nung grade school ako hindi mawawala ang pangalan ko sa mga noisy at kung minsan ay kailangan magbayad ng piso kapag nakalista ang pangalan mo. Nung high school naman ako hindi na uso ang lista-lista na mga noisy. Gugulatin ka na lang ng Teacher mo o babatuhin ka ng chalk para tumahimik. Pero pagbinabato ako pinupulot ko at sinosoli para may pambato ulit sya sa akin. Ngayon college, hindi na uso ang mga ganyang bagay. May magsasaway sa kaiingayan mo at mayroon namang bahala ka na bataman ganyan. Basta kapag bumagsak ka hindi na nila kasalan kung bakit ka sumisid at hindi na nakaahon pa kahit na mababaw lang ang tubig na lalanguyin mo. Kaya masyado ng competitive ang ang college student ayaw nilang sakto lang. Gusto nila yung sobra at ipamimigay sa iba. Ito ang nais kong ipahiwatig....... Bakit may mga taong hindi kayang ikwento sa iba ang

Galaw-galaw Baka Maistroke

Dear Kuya President, kamusta na po kayo? busy po ba? alam nyo binoto po kayo ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko po Gusto po nila kayo, ewan ko nga po kung bakit. siguro po naabutan nila ang unang pagsibol po ng riboong dilaw. Lagi po akong nanonood ng mga balita at laging nakasingit po kayo. binabatikos po nila kayo at sinasabi po nila na bumaba po ang expectations nila sainyo. Ang lakas nyo din po maka-showbiz. Laging may nauugnay sainyong mga babae. Akailan mo yon. Hunk na hunk po kayo pagnababalitaan po namin ang mga ganyang bagay ukol po sainyo. Tinalo nyo pa po ang mga hunk na  artista sa buong mundo. Kinabog nyo po sila sa isang kindat nyo lang. may tanong po ako sainyo? BAKIT PO HINDI KO PO KAYO MARAMDAMAN? puro negatibo yung naririnig ko sainyo. parang si Ate Kembot na lang po ang naririnig ko po na magaganda ukol sainyo. Siguro po sa ibang lugar OO.  Nagpapasalamat nga po ako sa Hanging Habagat at naramdaman ko po kayo 1/4.  Nakakatuwang i

Itaas ang Kamay at Iwagayway

Bakit iyak ka ng iyak? Sabi ni Krystala na kamukha ni Judy Ann Santos na asawa ni Ryan Agoncillo. Bakit iyak ka ng iyak sa mga blog mo? Sa una hindi ko pa masagot kung bakit, dahil siguro masyadong literal ang pagbibigay ko ng kahulugan sa sinabi nya sa akin. Minsan bigla na lang akong tatapat sa computer at magtatype ng kabaliwan ko sa buhay. Hindi ko na nararamdaman na ako ang gumawa ng nagawa ko. Parang nasapian ako ng multo o engkanto na pagala-gala tuwing gabi. Minsan ulit may magtatanong at magtataka kung ako ba talaga ang gumawa o nagsulat ng blog ko. Hindi daw kapani-paniwala sa itsura ko na magseseryoso at magsususlat o magboblog ng makabuluhan at kabaliwang bagay sa buhay-buhay. Bakit nga ba iyak ako ng iyak sa blog ko? Kasalanan ito ng isang author na paborito ko na hindi ko alam kung anong tamang pronunciation ng pangalan nya. Naiinganyo ako basahin ang mga gawa nya dahil sa impluwensya ng mga kaibigan na nagsasabing basahin ko daw yon! yan! at sa malawak na pag-ii

Ang Pag-iyak ni Budoy

Imahe
Mag-apply. Mag-interview. Mag-interview ulit. Tapos call me maybe na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa loob ng kaloob looban ko kung bakit ang lakas ko mag-apply kahit na nanginginig at nagpapawis na ang kilikili ko at kasingi-singitan ko sa kaba pero handa ako. Pinipilit ko na handa ako kahit na alam ng isip at puso ko na kinakain na ng kaba ang katawan ko. Gusto ko ng magtrabaho. Trabaho konti. Medyo mag-ipon. Tapos aral ulit. Malakas lang talaga ang loob ko. Trying hard sa lahat ng bagay. Sa madaling salita pasikat ako. Pasikat sa sarili ko. Gustong kong lagpasan at kalabanin ang sarili ko. Upang magawa ito kailangan ng inspirasyon at motivation sa bawat hakbang na ginagawa ko. Kaya siguro malakas ang loob ko kahit na pawis na pawis na ang kasingit-singitan ko sa kaba. Kaya siguro naninilaw yung mga puti kong damit sa mga singit-singit nito. Interview- Ito ay isang paraan upang malaman ang kakayanan at interpretsyon ng iniinterview at upang malaman kung ikaw ay kasya s

Usapang Kape

Ang kape ay isang uri ng inumin na kung saan ay nababalutan ng iba't-ibang kwento at iba't-ibang uri na onti-onting umuusbong at nakikita sa merkado. Sa ilang taon kong namulat sa mundong ito, ngayon ko lang nalaman at narinig na may teorya ang simpleng kape na tradisyonal na inumin na pampagising ng lamang loob at kung ano-ano pang laman na alam mo. Naalala ko naglalaro kami ng mga tambay sa eskinitang payapa na walang kahit na ano mang gulo. Bigla-biglang nauntog ang kaibigan naming mala Eva Fonda ang dating sa dulo ng bintanang makalawang. |"Aray, ang sakit nauntog ako nagdudugo"- (Falling intonation). Sabay may sumigaw. "Lagyan mo na kape! Lagyan mo ng kape! Lagyan mo ngt kape! mga sampung katao ang sumisigawa sa mga oras na yon. Nabilang ko. Nilagyan nga nya ng kape para daw tumigil ang pagdurugo.Makapangyarihan ang kape sabi nila. Pwede itong agimat na tatalo kay Sen. Bong Revilla sa palabas nyang Agimat. Hindi na kami nagtanong kung ano ang kakayahan n

PaComment Isa Lang

Makapangyarihan ang salita, ingatan ang bawat binibitawan, isipin bago sabihin at patunayan na ikaw ay karapat-dapat na galangin na hindi nagpapakita ng kahit ano mang bagay na makakaepekto sa sa taong mambabasa at sa taong nakapaligid sayo. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang nais kong iparating dahil alam ko na kahit na anong gawin ko walang mangyayari kundi ilabas ang aking mga opinyon ukol  sa trending at kontrobersyal na buhay ng mga Pilipino. May nakita akong mensahe na pumukaw sa aking mata, puso at isip. Binasa ko. Binasa kong mabuti. Tiningnan kung sino-sino ang mga ito. Isang 40 years old? na tao walang kasarian. At mga galamay na mga 27, 28, 29,30 years old? walang mga kasarian. At isang bidang nagpapaapi  dahil mahilig magpaawa para apihin at bandang huli babangon naman at dudurugin ang mga taong mapang -api. Sya ay 17 years old. Wala din kasarian. Bagamat ang nang-aapi ay nasa hustong gulang na. Wala pa din syang pakundangan na sumagaot at mang-api na hindi ay

Rest in Peace "Hari ng Komedya" Dolphy Quizon

Imahe
Si Rodolfo V. Quizon o mas kilala bilang Dolphy Quizon ay isang sikat na artista sa larangan ng komedya sa Plipinas. Sya din ay tinaguriang "hari ng komedya" dahil sa kanyang kahusayan sa pagganap sa kanyang mga proyekto. Una nyang naging proyekto ay Sa Isang Sulyap Mo, sabi sa akin ng mga tambay dyan sa kanto dahil hindi ko naman yon naabutan. Sabi din ng kapit-bahay namin produksyon daw yon ng sampaguita picture. July 10, 2012, masamang balita ang kumalat agad sa internet at telebisyon. Hindi na kinaya ng kanyang katawan ang mga sakit na dinadala nya. Sa una hindi ako naniniwala sa mga balitang kumakalat na ganyan. Pagbukas ko ng tv puro sya ang balita at laman nito. Nagulat ako konti dahil ang alam ko ay bumubuti na sya sabi sa mga balita. Sabi sa balita daw. Sabi ng mga socially concerned citizen madalas daw pabalik-balik sa hospital ang hari ng komedya dahil sa pabalik-balik nyang Pneumonia na naging Pneumonia Chornic Obstructive Disease na nauwi sa Multiple Organ Fa

Bibig ka ba?

Pagbinato ka nang bato, batohin mo nang tinapay. Pagbinato ka nang truck, batohin mo nang tinapay. Pagbinato ka nang alak, salohin mo. Sayang! Ang salita ay napaka-makapangyarihan sa lahat, ang may gawa ng langit at lupa :D, nakakapagbigay na negatibo at positibong paniniwala at pananaw, nakakapagbigay ng diskriminasyon na hindi sinasadya ngunit nasasabi dahil walang kontrol sa kanyang pananalita. Kagaya ni Tita Anabil na kapitbahay nila Lolet at Kriste, na nanay nila RikardoReymundo at Rupah na sikat na sikat sa twitter dahil sakanyang maaanghang na salita. Ang twitter ay isang instrumento na ginagamit upang makipag-usap sa iba't-ibang panig ng mundo. Pwede din gamitin sa pagpapacute, pagbibigay impormasyon o balitaat pagbabahagi ng ginagawa ngayon, bukas at kahapon. Bago ko gawin itong ka-epalan kong ito ng hiram ako nang panulat sa isang batang busing-busy sa panonood ng tv habang kumakain ng kalamsi lemon square cheese cake. May ballpen ka ba? Wala eh. Di ba? n

Tumingala, Humakbang at Tumingin sa Likod

MABUHAY ANG MGA PILIPINO! MABUHAY! WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! WALANG KAI-KAIBIGAN! AK0 ANG BOSS NYO! Ito ang mga salitang binitiwan ng mga muscleman na tao na tumatak sa puso at isip ng mga Pilipino. Sino ang nagsabi nito? magtanong ka lang sa mga tambay dyan sa kanto, nagbebenta ng laman sa gabi, adik, at mga naglalako ng mga double dead na baboy, sigurado masasagot nila yan ng walang kurap at poot sa damdamin. pagtag-init, madaming nagtitinda ng pampalamig tulad ng ice cream, ice candy, ice at kung ano-ano pang ice. pagtaglamig, samu't saring mga pampainit ang nagsusulputan sa atin lalong lalo na sa gabi na matatagpuan sa iba't-ibang panig ng kanto ng lugar nyo. Parang kampanya ng mga muscleman, nagtitinda sila ng ibat-ibang panulat. mahilig silang manukli kahit sakto lang ang pera mo, minsan naman hindi ka pa nagbabayad susuklian ka na nila. Aakalain mong pasko sa SOBRANG dami ng aguinaldo. Mahilig ang mga muscleman na magpabango kahit hindi naliligo, mahilig s

Miampluwensya, politiko at boksingero (Manny Paquiao)

talo na si Manny, Manny, Manny tinalo ni Bradley, Bradley, Bradley Umiyak tuloy si Jinkee..... Nahimatay pa si Mommy..... *Let sing Pricetag Natalo o nanalo? laging may komento ukol dito. May nagsasabing dinaya sa puntos at may sang-ayon sa desisyon ng mga hurado. Hindi inaasahan ng mga Pilipinong suportado ng pambansang kamao ang pagkatalo nito dahil dito nagkaroon ng mga haka-haka o mga opinyon na kumakalat ngayon sa labas ng ating mga bahay. Sabi ng isang kaibigan. Taktika nila yon para humaba yung laban magkakaron ng rematch para mas madaming pera.   Sabi ng kapitbahay namin. matanda na si si Paquiao, bumagal at humina na sya sumuntok.   Sabi sa balita. Kitang-kita naman na mas madaming suntok si Paquiao kesa kay Pareng Bradley. Para sa karagdagang opinyon ng mga sikat na personalidad at mga socially concerened citizen magbukas lamang ng youtube, dyaryo, manood ulit tv dahil isang linggo naman ito ipapalabas at ibabalita. Umaga, tanghali, hapon, gabi at madalin

PBBteens4 Big Night

Imahe
Hello Philippines and hello World! Natapos na nga ang programa ng sikat na sikat na bahay sa buong Pilipinas ang PinoyBigBrother Teens 4. Malaking katanungan ang nabuo sa mga tao ukol sa mga bagay na kung sino ang karapat-dapat manalo at kung sino ang nagpakatotoo sa apat na natitira na umabot sa pinakahihintay na Bignight. Madaming agam-agam, kuro-kuro at opinyon na kumalat sa gilid-gilid. Umabot pa sa pinag-aagawang Sparatly Islands. "Siya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya siya ang dapat manalo!" sabi ng kapitbahay namin na hindi naman binabanggit kung sino ang gusto nyang manalo. "Iboto po natin si Joj and Jai dahil sila ang naging mabuting halimbawa ng kabataang pinoy" Opinyon ng isang sikat na artista. Hindi ko masyadong naalala kung ano ang eksakto nyang sinabi basta ganyan yon. "Ang Big Winner para sa akin ay si Karen. Sya ang nagpakatotoo sa bahay ni Kuya." Sabi nung kulot na mamayan ng pinakamamahal nating Pilipinas. "Siya ang nagpaka